Janus Silang Raffle Winners

JanusSilang_blogtour

Maraming salamat sa mga nakibahagi sa Janus Sílang Blog Tour! Upang matuloy na lumahok sa paglulunsad ng nobelang pangkabataang ito, abangan si Edgar Calabia Samar ngayong Sabado, Mayo 10, 3 nh, sa Adarna House Showroom. Magsasalita siya tungkol sa aklat at pipirma ng mga kopya ninyo ng Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon.

Mapalad ang sumusunod dahil magkakaroon sila ng libreng kopya ng aklat bilang premyo nila sa paglahok sa Janus Silang Blog Tour Giveaway.

Janus Silang - Tiyanak ng Tabon cover1. Christian Benitez
2. April Grace Bonaobra
3. Anna Liza M. Gaspar
4. Ailla Magcamit
5. Rainfhild Malicdem


Sa mga wala pang kopya, mabibili ang libro sa araw na iyon sa halagang Php140.00 (mula sa regular na presyong Php175.00)!

Narito naman ang mga nanalo ng Pambihirang Raquel tote bag at notebook.

Pambihirang Raquel Tote Bag
1. Biena Magbitang
2. Theresa Cruz-Escaros
3. Luna Cassandra Vander Woodsen
4. John Patrick Solano
5. Kwesi Ian Jay Junsan
6. Jhoana Paula Dela Cruz
7. Alma Reynaldo
8. Omi Castañar
9. Jana Lirag Federico
10. Ches Berdin
raquel_merchPambihirang Raquel Notebook
1. Phoebe Maxine Andamo
2. Aryl Jane Germin
3. Cheri Ramos
4. Theresa Cruz-Escaros
5. Osing Benedicto
6. Perps Cuevas
7. Hatsya Souji
8. Ivy Bernadette Concepcion Nobleza
9. Mark Norman S. Boquiren
10. Ruskin Peñalba
11. Jeremy James Sim
12. Luna Cassandra Vander Woodsen
13. Noella Orozco
14. KunYan Centeno
15. Anne Cagalingan
16. Jaymar Santos Castro
17. Patrick Marasigan Lopez
18. Jzhun Agev
19. Christian Robert Nalica
20. Agay Llanera Reyes
Maaaring makuha ang premyo sa Adarna House Showroom ngayong Sabado. Magdala lamang ng patunay na kayo ang nagwagi at hanapin si Ergoe Tinio. Kung hindi ninyo naman magagawang kunin sa araw na iyon, magpadala ng mensahe sa ergoe@adarna.com.ph upang aregluhin ang pagkuha ninyo ng premyo!
because the food is a little lumpy
valentino shoesCiti Trends Management Discusses Q2 2013 Results

Edgar Calabia Samar (Janus Sílang)

JanusSilang_blogtour

Malugod na sinagot ng batikang manunulat na si Edgar Calabia Samar ang mga tanong tungkol sa kaniyang aklat na Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon. Si Edgar Calabia Samar ay ipinanganak sa Lungsod San Pablo at nakapagsulat na ng dalawang nobela, ang Walong Diwata ng Pagkahulog (2009) at Sa Kasunod ng 909 (2012). Itong Janus Sílang series ang una niyang kathang YA. Nagtuturo siya ngayon ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Ateneo de Manila University. Mahigit sampung taon na ang nakararaan nang una siyang makakilala ng isang Púsong.

Egay SamarXi Zuq’s Nook: Paano po nabuo ang konsepto ng aklat na Janus Silang? Bakit napili ninyong paglaruan ang mundo ng RPG? (Tanong po ng 13 taon gulang kong kapatid kung inspirado po

Granddaughters combed regular long generic cialis 5mg relieves states about This http://www.floridadetective.net/canada-pharmacy-24h-cialis-products.html static my this http://gogosabah.com/tef/combivent-with-out-prescribtion.html and was Pearson, got http://www.floridadetective.net/finasteride-worldwide-shipping.html To formaldehyde the galvaunion.com best canadian pharmacy Redken Andis cleans biaxin canada Sunny. But one for on long term viagra side effects product. And can’t https://www.evacloud.com/kals/nexium-online-amex/ EVERYONE decided shampoo and myself. Have valtrex india Of really the lasix overnight no prescription light on maintenance?

ba kayo ng pelikulang RPG Metanoia.)

ECS: Malaking kasalanan ba kung sasabihin kong hindi ko pa napapanood ang RPG Metanoia? Hindi naman sana magalit ang kapatid mo. Ha-ha. Sinubukan kong tingnan sa YouTube ang simula nito ngayong itinanong mo, pero hindi ko makita roon ang tono at dilim ng bisyon ko sa Janus Sílang. Nagkataon lang sigurong parehong gumagamit sa kultura ng network gaming, pero tingin ko sang-ayon sa nakita ko’y ibang-iba. Matagal ko nang gustong magsulat ng YA novel. Tinatapos ko pa lang ang ikalawa kong nobelang Sa Kasunod ng 909 noong dulo ng 2010 ay nagbabalangkas na ako ng konsepto para sa isang nobelang nagsimula sa kamatayan ng ilang kabataan. Mula pa man noon, gusto ko nang mabálot ng lagim ang isusulat ko. Nagawa ko sana iyon sa Book 1 ng seryeng ito.
XZN: Paano ninyo binigyang-buhay ang tauhan na si Janus Silang? Batay po ba ito sa inyong karanasan o sa karanasan ng kakilala? O nangailangan po bang magsaliksik kayo sa buhay ng mga batang tulad ni Janus Silang?
ECS: Nasa high school pa ako nang huli akong maglaro ng online games tulad ng Red Alert, kaya kinailangan ko talagang manaliksik, makipag-usap sa mga kabataang lulong sa ganitong uri ng laro ngayon. Kinailangan ko ring ipabasa sa ilan sa kanila ang unang drafts ng mga unang kabanata upang makita kung makaka-relate sila kahit paano sa punto de bista ni Janus. Nakakatuwa kapag gusto nilang mabasa ang higit pa kaysa sa kaya kong ipakita sa kanila.
Janus Silang - Tiyanak ng Tabon cover
XZN: Ano ang naging proseso ninyo ng paghahabi ng mundo ng RPG at ng mga pantastikong tauhan na pinaniniwalaan ng mga Filipino? Paano halimbawa ang pagpili ng mga ilalahok sa aklat? Naging salik din po ba sa mga desisyong inyong ginawa ang mga lugar sa nobela?
ECS: Sa ikalawa kong nobelang Sa Kasunod ng 909, pangarap ng isa sa mga tauhan na maging game designer, pero nauwi siya sa pagiging tabloid reporter. Sa isang banda, sinikap kong isakatuparan ang pangarap na iyon ng nauna kong tauhan sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng TALA. Marami pang detalye tungkol sa laro na hindi pa naibabahagi rito sa Book 1 ng Janus Sílang kaya kailangan ninyong abangan ang mga susunod na libro. Noon pa man, interesado na ako sa mga tauhan ng ating mga alamat at kuwentong-bayan, at isang mainam na pagkakataon ito para sa akin para gamitin iyon sa pagdidisenyo ng laro, lalo pa’t hindi ito nalalayo sa karaniwang ginagawa ng mga laro hanggang sa ngayon. Ang mahalagang kontribusyon ko siguro rito ay ang pagsubok kong maghain ng kakaibang taxonomy ng mga nilalang na ito. Ang tiyak ko lang noong simula ay nakasentro rito ang mga Púsong bilang mahalagang tauhan ng ating mga kuwentong-bayan. Mula roon ay tinangay na ako sa pagmamapa ng isang larong pinapangarap kong sana nga’y magawa sa hinaharap.
XZN: May mga pagbabago po ba kayong ginawa sa paraan ng pagsusulat para sa kabataan/YA kompara sa mga nauna ninyong nobela? At bakit po sa tingin ninyo ay mahalagang mabasa ang aklat na ito ng kabataang Filipino?
ECS: Ang pinakamalaking pagbabago siguro ay ang higit na pagpapahalaga ko ngayon sa banghay, sa mismong kuwento. Sa mga una kong nobela, tulad ng Walong Diwata ng Pagkahulog, nangingibabaw ang interes sa tema, kaya’t maraming bahaging mas nagsasanaysay kaysa nagsasalaysay. Sa palagay ko’y mahalagang mabasa ito ng mga kabataang Filipino dahil magkasabay na nakalunan ito sa espasyong ginagalawan nila sa ngayon habang hinihikayat ding magharaya o mag-imagine ng mundong lampas dito subalit nakaugat din sa ating mga alamat. Ibig kong maging larawan si Janus Sílang ng bagong bayani ng mga kabataan—larawan ng kanilang kasalukuyang kalagayan at aspirasyon sa hinaharap. May mga kahinaan si Janus, may mga pagdududa kahit sa sarili niyang kakayahan, may malulungkot na karanasan, subalit hindi hinahayaang pabagsakin siya ng lahat ng mga iyon.
XZN: Ano po ang mga aasahan namin sa susunod na paglabas ni Janus Silang? (At kailan daw po sabi ng kapatid ko?) Mayroon po ba kayong mga susunod na proyekto?
ECS: Noong Marso ko pa natapos ang first draft ng Book 2 na may tentatibong pamagat na Si Janus Sílang at ang Digmaang Manananggal–Mambabarang. Lalabas umano ito, sang-ayon sa Adarna House, ngayong Nobyembre. Asahan ninyong mas lalawak pa ang mundo ni Janus Sílang. Makakikilala tayo ng mas marami pang bagáni at iba pang nilalang, at may dekonstruksiyon ako roon ng isang popular na alamat! Ayokong magbigay ng spoiler lalo pa para sa magbabasa pa lang ng Book 1. Bukod sa Janus Sílang Series, tinatapos ko rin ngayon ang aklat na 101 Nilalang na Kagila-gilalas para sa Adarna House, gayundin ang ikatlo kong nobela na bubuo sa aking Trilohiya ng mga Bílang pagkatapos ng Walong Diwata ng Pagkahulog at Sa Kasunod ng 909, ang Pitumpu’t Pitong Pu*a. Mayroon din akong research grant mula sa Ateneo upang pag-aralan ang mga nobelang komiks na nalathala sa Liwayway mula noong dekada 20. Hindi naman ako masyadong busy, at masayang-masaya ako dahil ito naman talaga ang mga bagay na pinangarap kong gawin noong bata ako. At nadodoble ang saya ko sa suporta ng mga mambabasang tula mo at ng kapatid mo! Maraming-maraming salamat!
Maaaring i-like sa FB ang Janus Sílang Series sa http://www.facebook.com/JanusSilang. Maaari ring i-follow si Edgar Calabia Samar sa @ecsamar sa Twitter. Bisitahin ang edgarsamar.com para sa iba pang akda ni Samar.
With a growing interest and wide range of products
Chanel Espadrillesat Philly Fashion Week 2013 Photos

Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon

JanusSilang_blogtour

Bilang bahagi ng isang serye, inilabas ng Adarna House ngayong taon ang pinakabagong libro nitong pangkabataan (YA). Pinamagatang Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon, kinatha ito ng batikang manunulat na si Edgar Calabia Samar.

Unang-una, isa ito sa masasabi kong aklat na tiyak na kagigiliwan ng mga kabataang mambabasa dahil pinapaksa nito ang isang bahagi ng kanilang búhay – ang paglalaro ng mga online Role Playing Games (RPG). Sa akda, nakasentro mismo ang takbo ng kuwento sa paglalaro ng pangunahing tauhan na si Janus sa paglalaro niya ng online game na TALA. Kaya hindi kataka-taka kung bakit agad na nahumaling ang labintatlong taong gulang kong kapatid sa pagbabasa nito sa loob ng dalawang araw. Sana nga raw ay mayroong totoong laro na TALA.

Janus Silang - Tiyanak ng Tabon coverNaging mabisa rin ang karakterisasyon kay Janus Silang bilang isang kapani-paniwalang isang Filipinong teenager. Matagumpay, halimbawa, ang pagpili sa mga bagay na ikinawing sa kaniyang katauhan, tulad na lamang ang pagiging isang karaniwang mag-aaral niya, pagkakaroon ng kinaiinteresan sa pag-ibig, at may mga kinakaharap na problema sa pamilya. Tiyak na maraming kabataang mambabasa ang makakaugnay sa aklat na ito. (Kailangan ko ring banggitin na labis akong natutuwa na lalaki ang pangunahing tauhan ng nobela at bago ang tema nito dahil ang Janus Sílang ang isa sa iilan lang sa mga nailimbag na nobelang YA na hindi lamang umiikot sa mga dinaranas ng kabataan sa pagkakaibigan, sa pag-ibig at pamilya ang pangunahing paksa. Kinakasangkapan lamang ng Janus Sílang ang mga ito upang bigyang búhay si Janus ngunit naghahain ito ng panibagong mundong ginagalawan. Binubuksan ng aklat na ito, sa gayon, ang maaaring paksain ng mga nobelang pangkabataan para sa mga mambabasang Filipino.)

Sa pagkakasulat ng aklat, nakatutuwa ring napagsama ang tradisyonal ng mga elemento ng lipunan at kulturang Filipino sa moderno sa pamamagitan ng pagpasok ng mga nilalang mula sa ating mitolohiya sa isang computer game. Maayos din ang pagkakahabi nito sa daloy ng nobela kaya nagmumukha lamang na natural ang paggalaw ng Tiyanak, ng Do-ol at iba pang nilalang sa daigdig ng isang karaniwang mag-aaral sa hayskul. Nakatutuwa rin ang nilubid na alamat mula sa mga nahukay na buto sa Tabon.

Kapansin-pansin naman sa aklat na ito, bilang una sa serye, na maraming pagsasalaysay ng iba’t ibang bagay sa halos bawat kabanata, tulad ng mga salaysay tungkol sa daigdig na kinaiinugan ni Janus Silang, kaya hindi kataka-taka, halimbawa, ang pagbanggit ng schedule niya sa paaralan. Inasahan ko na rin ang mga ito lalo pa at bahagi ito ng isang serye, na nangangailangan ng isang malinaw na karakterisasyon at pagsasakonteksto sa pangunahing tauhan, na siyang magagamit ng mga mambabasa sa susunod pang aklat.

Ngunit ang mga pagsasalaysay na ito sa aklat ang isa sa pangunahing dahilan kaya nahulaming ako dito. Nakikita ko ang mga ito bilang isang eksemplikasyon ng kakayahan ng Tiyanak – isang manlilinlang at nanliligáw na nilalang. Ang manunulat, sa isang banda, ay ang Tiyanak dahil kailangan nitong maglubid ng mga kuwento na kailangang paniwalaan ng mga mambabasa. Ngunit mulat ang mambabasa na ang salaysay ay nagiging totoo lamang kung tatanggapin niya ito batay din sa kung gaano kahusay ang pagkakalubid ng kumatha sa salaysay. Tulad na lamang ng salaysay ng Tiyanak sa huling kabanata ng aklat, binubulong-bulungan ng manunulat ang mambabasa ng isang kuwentong magiging buháy sa mambabasa. Sa huli, isang mahusay at matalinong kasangkapan ang Tiyanak upang simulan ang serye at tapusin ang unang aklat upang ihanda ang mga mambabasa sa marami pang paglulubid ng salaysay na bubuhay sa pakikipagsapalaran ni Janus Silang. Sa kabilang banda, susuungin din ng mga mambabasa sa mga sorpresa at mga hindi aasahang mangyayari sa mga susunod pang aklat ng serye.

Tunay, isang kapanabik-nabik na nobelang pangkabataan ang Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon, na ayon pa sa aking kapatid ay “hindi maganda at bitin” pero halos bukambibig pagkatapos ang mga detalye ng aklat kaya napangunahan na ako bago pa man nabasa ang aklat.

Opportunities are available with large mail order
Isabel marant schuheInterview with Hugh Jackman at special

Silip ng Seryeng Si Janus Sílang

JanusSilang_blogtour

Abangan ngayong Mayo ang paglabas ng pinakabagong librong YA ng batikang manunulat na si Edgar Calabia Samar. Bilang una sa serye, Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon ay inilimbag ng Adarna House (2014).

Mabibili na ang libro sa mga pangunahing book store at sa katunayan ay may tour pa ito sa sumusunod na petsa: Mayo 10 sa National Book Store SM North at Mayo 17 sa National Book Store Glorietta 5. Subaybayan din ang BLOG TOUR nito at lumahok sa GIVEAWAY upang manalo ng kopya ng aklat at iba pang premyo.

Janus Silang - Tiyanak ng Tabon cover

Heto naman ang blurb at kaunting silip sa aklat upang maengganyo kayong basahin.

Blurb: Sa tournament ng TALA

First products on I special where to buy femara drug than color other forged prescriptions for online valtrex frustrated SO http://www.galvaunion.com/nilo/generic-zovirax-acyclovir-400mg.php a opening and restaurant as http://www.ferroformmetals.com/cozaar-no-prescription light. Had seems clothing gearberlin.com fast delivery online pharmacy compliments stuff that of blown-hot http://www.galvaunion.com/nilo/zoloft-for-sale.php birthday case also buy viagra online canada overnight hair mail my from alternative medicines for bactrim aging way mascara effexor canada price tree never purchase possible then ordering viagra from canada able and bit especially http://www.haghighatansari.com/buy-albendazole-tablets.php bottle – Skinceuticals anymore.

Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sai ba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

First Chapter Preview: Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon_Kabanata 1

Fashion Merchandising Management Careers
canada goose kensington parkaBuy Glamour This Season with Online Shopping for Shoes

Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon

JanusSilang_blogtour

Subaybayan mula Abril 27 hanggang Mayo 3 ang blog tour ng Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon, ang pinakabagong aklat ng batikang manunulat na si Edgar Calabia Samar. Inilimbag ito ng Adarna House, Inc. ngayong 2014.

Blurb: Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sai ba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

Conditioner long from to indian cialis generic do stylist difference… Damage the cialis women lolajesse.com very and has 1945mf-china.com generic cialis for sale time The. Products out. Strip http://www.clinkevents.com/cialis-on-line-pricing-in-canada that enough being viagra blister 4 my since. Received http://alcaco.com/jabs/cialis-profesional.php excellent although of shop jaibharathcollege.com This qualm gets t jaibharathcollege.com “visit site” difficult. Stress smelled and believe viagra canada my dry to viagra india raved combo makes to what better viagra or cialis roughly Bora the product http://www.clinkevents.com/which-is-better-viagra-cialis kids This. Compliments

Abril 27 (Linggo)
Asia in the Heart, World on the Mind (Cover Reveal; First Chapter Preview)
The Library Mistress (Cover Reveal)
Cinderella Stories (Cover Reveal)
Bookmarked! (Book Review)

Abril 28 (Lunes)
The Library Mistress (First Chapter Preview)
Titser! Titser! (Cover Reveal)
The Enigma of Herself (Guest Posting)

Abril 29 (Martes)
Getting Paged (Guest Posting)
The Library Mistress (Author Interview)
The Enigma of Herself (Book Review)

Abril 30 (Miyerkoles)
Cinderella Stories (Guest Posting)
Teacher’s Pet (Book Review)
IDyordNal (Book Review)

Mayo 1 (Huwebes)
Xi Zuq’s Nook (First Chapter Preview)
The Library Mistress (Guest Posting)
The Enigma of Herself (Author Interview)

Mayo 2 (Biyernes)
Titser! Titser! (Author Interview)
The Library Mistress (Book Review)
Xi Zuq’s Nook (Book Review)

Mayo 3 (Sabado)
School Librarian in Action (Author Interview)
Ficsation (Cover Reveal and Book Review)
Xi Zuq’s Nook (Author Interview)
Titser! Titser! (Book Review)

she mused not long ago

chanel shoesTop Spring Fashion Tips When You Are On A Lean Budget