Ang Ikaklit sa Aming Hardin

Header

“Ang Ikaklit sa Aming Hardin” ay isang aklat pambatang tumatalakay sa mga di-kumbensiyunal at di-tradisyunal na pamilya. Partikular nitong tinutuunan ang mga hamong hinaharap ng isang batang may dalawang nanay.

Kuwento ito ni Bernadette Villanueva Neri na may guhit ni CJ de Silva, salin sa Ingles ni Jennifer del Rosario-Malonzo at layout ni Jennifer Padilla-Quintos. Inilimbag ito ng Publikasyong Twamkittens (2012).

Cover

 

XI ZUQ

Walang pagkukunwari ang pagsasalaysay tungkol sa anyo ng pamilya ng pangunahing tauhan sa kuwento. Ipinapakita at kinikilala nito ang isang makatotohanang kalagayan na may iba’t ibang anyo ng pamilya sa lipunan. Makatotohanan din ang pagtatampok sa naramdaman ni Ikaklit, ang batang bida sa kuwento nang malámang hindi pangkaraniwan ang anyo ng kaniyang pamilya.

Magandang simbolismo ang isang bulaklak sa hardin ng isang indibidwal. Ang pagganda atpaglago nito ay nakasalalay hindi sa uri nito kundi kung paano ito pinalaki. Hindi naman pilit ang paggamit ng mga bulaklak sa kuwento sa konteksto ng batang tauhan.

May mga kaibigan akong pumuna na masyadong positibo ang kuwento, lalo na sa linyang “Lahat kami, tinutukso. Pero ang hindi nila alam, masaya at kontento kami sa aming mga pamilya.” Sa bahaging ito, inilalarawan ni Ikaklit ang mga kaklase niyang may hind ring pangkaraniwang anyo ng pamilya. Magandang puna nga ito pero, sa tingin ko, kinakailangan ito ng kuwento upang matanggap ng mambabasa na walang masama sa mga hindi pangkaraniwang anyo ng pamilya. At hindi totoong napakapositibo ng kuwento dahil ipinakita rin ang naging mga hamon ng tauhan.

Bukod sa pinakapaksa nito, marami pa akong natutuhan mula sa aklat. Naturuan ako nito kung paano magtanim ng mga halaman at bulaklak. Totoong-totoo na isang estratehiya sa paghahalaman ang pagkanta sa mga ito. Maganda rin ang tuon sa pagtutulungan ng pamilya sa pagtatanim, lalo na ang paggabay ng mga magulang ni Ikaklit sa kaniya.

Makatotohanan ang ilustrasyon ng aklat, na sa tingin ko, ay akma lamang sa pinapaksa nito dahil naglalahad ang aklat ng isang katotohanan.

Unang aklat ito na nabasa ko na kinikilala ang lahat na naging bahagi sa paggawa ng aklat, mula awtor, ilustrador, tagasalin at dibuhista nito. Paalala ito na ang mga aklat pambata ay nabubuo sa kolaborasyon ng manunulat, editor, tagasalin, ilustrador, taga-layout, at minsan maging ang mga edukador o sikologo. Lahat ng mga ito ay may mahahalagang papel sa pagbuo ng aklat.

Tulad ng bulaklat na ikaklit, matayog ang tindig ng aklat na ito sa pagpapayaman ng halamanan ng panitikang pambata sa Filipinas. Umaasa ako na madagdagan pa ng mga halaman at bulaklak ang harding ito.

WIBS SUSA

Sa ating pagkilala sa kahit anong kuwento, tila nakasanayan na ng ating henerasyon ang pag-abang sa ideyang, “what’s the moral of the story?” Sa bawat pahinang ninanamnam ng ating mga mata at isip ito ang namumutawing ideya sa ating pagbabasa. Kataka-taka ang magkaroon ng ganitong pokus sa mga aklat subalit para sa librong Ang Ikaklit sa Aming Hardin ni Bernadette Neri sapat ba na ito lamang ang bigyang tuon?

Una kong narinig na kinuwestiyon ang ideya ng, “What’s the moral of the story?” ni Russell Molina. Ginamit niya ito sa pagsasalaysay ng kaniyang buhay bilang manunulat. Sa aking pakikinig, nagsimula akong pagtakhan ang ganitong paglapit sa mga libro. Subalit hindi naman natin maitatanggi na mahalaga ang aral sa loob ng ating mga binabasa. Subalit sa kasong ito tila mas makapangyarihan ang realidad na ipinakikilala ng Ikaklit.

Sa aking pagtalakay ng panitikang ito sa klase namangha ako sa reaksiyon ng mga bata. Ang pinakaunang ideyang napalitaw nila ay ang pagkilala sa pagkakaiba ng mga tao. Kung tutuusin hindi naman isyu ng mga bata ang pagkakaroon ng dalawang nanay. Para sa mga batang binasahan ko ng libro, mas naantig sila sa kuwento ng batang inaasar sa loob ng paaralan. Naging mas sensitibo sila sa paksa ng bullying at kung papaano maiparamdam ang pagtanggap sa mga taong iba sa kanila. Mas may talab sa kanila ang tema ng kaibigan higitsa mas kilala nating paksa ng lesbianism sa loob ng akda.

Isa rin sa mga temang kinapitan ng mga bata ay ang pamilya. Hindi isyu sa mga bata ang kasarian ng mga magulang ng pangunahing tauhan. Para sa mga bata ang pamilya ay isang lugar kung saan nakahahanap ng pagmamahal at pag-aaruga (at sila mismo ang nagsabi nito). Hindi ito limatado ng kasarian, kayamanan, pangalan, o kakayahan. Para sa mga bata, mas matimbang ang kakayahan ng isang pamilyang magpalaki ng isang mahusay na tao sa halip na sa uri ng pamilyang kinabibilangan nito.

Isa marahil sa mga nakaliligtaang tingnan sa mga aklat pambata ang ilustrasyon (lalo na sa mga gumagamit nito sa paaralan). Totoong malaman ang mga kuwento sa mga pinipiling panitikan ng mga guro. Ayon sa mga bata isang obra ang mga larawan ni CJ de Silva. Ayon sa klaseng binasahan ko ng Ikaklit, nakaramdam sila ng init o warmth sa mga ilustrasyon sa libro. Hindi raw ito tulad ng mga binasa sa kanilang libro na abstrakto ang paraan ng paglalarawan. Malinaw at nakaantig ang pagkakaguhit sa libro, malaking tulong ang ganitong pakiramdam lalo na sa tema nitong tungkol sa pamilya. Marahil hindi ito ang unang tinitingnan ng ilang mambabasa subalit para sa mga mag-aaral na biswal isa ito sa mga mahahalagang aspekto ng aklat.

Ayon sa mga teorya ng edukasyon ang bawat isa sa atin ay may pinanghahawakang schema. Ito raw ang kakayahan nating kumilala ng mga bagay, ideya at konsepto ayon sa ating mga karansan at realidad. Bilangguro, tila masyado tayong nagpapakahon sa ating mga sariling pananaw. Mas kinikilala natin ang mga bawal at dapat. Masyado nating inaalala ang paraan ng pag-intindi ng mga bata.Subalit ang ganitong pag-iisip ang mismong pagkabansot na dapat nating labanan. Tila tayo pa ang hindi makabitiw sa masisikip nating utak at nakalilimot tayong kilalanin ang mga tinuturuan natin. Sila ay mga bata, tayo man ang humuhubog sa kanila, sila pa rin ang dapat na kumilala sa lalim at kakayahan ng kanilang mga isip.

Si Wibs Susa ay nagtapos ng AB Panitikan sa Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Ateneo de Manila. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Masterado sa Language Education sa Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, habang nagtuturo ng Filipino sa Raya School.

*

Huwag kalimutang lumahok sa GIVEAWAY upang manalo ng signed copy ng aklat at DVD. Panoorin din ang video ng pagtalakay ni Bernadette Neri sa aklat.

valentino studded heelsTargeting Clients Utilising the Power of Direct Mail Printing

Bernadette Neri

Header

Nagtapos ng MA Filipino: Malikhaing Pagsulat si Bernadette Villanueva Neri sa UP Diliman at BA Mass Communication major in Journalism sa UP Baguio. Kumakatha siya ng mga kuwentong pambata, sanaysay, dula, at maikling kuwentong lesbiyana (na binansagan niyang “naratibô” o naratibo ng mga tibô). Kasalukuyan siyang nagtuturo sa UP Diliman, kasabay ng pagkuha ng duktorado sa Malikhaing Pagsulat sa parehong paaralan. Kasama niya ngayon sa bahay ang limang muning na tulad niya’y mahilig din sa ikaklit at iba pang mga halaman.

Malugod niyang sinagot ang ilang tanong tungkol sa pagkatha at paglimbag ng Ang Ikaklit sa Aming Hardin.

Det NeriXZN: Magandang araw, Ms. Det!

Det: Miyaw-gandang araw din, Xi Zuq!

XZN: Maraming salamat po ulit sa pagpayag na gawin ang blog tour ng inyong aklat na Ang Ikaklit sa Aming Hardin.

Det: Nyek! Ako dapat ang magpasalamat lalo’t itinapat pa ninyo ito sa isa sa mga paborito kong okasyon kada taon, ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

XZN: Maaari ninyo pong bang ikuwento ang kuwento sa likod ng pagkakalikha ninyo ng Ang Ikaklit sa Aming Hardin?

Det: Isinulat ang kuwentong ito bilang bahagi ng aking tesis masteral sa Malikhaing Pagsulat na isang koleksiyon ng mga kuwentong lesbiyana (na binansagan kong “Naratibô”). Dito, tinatangka kong magtampok ng iba’t ibang imahen ng mga lesbiyana na labas sa karaniwan nang negatibo at pusikit na paglalarawan sa mga babaeng homoseksuwal. Isa sa mga prinoyekto kong itanghal ay ang kapasidad ng mga tibô na magmahal at bumuo ng pamilya.

Cover

Noong una, hindi naman talaga ito nakadisenyo para maging kuwentong pambata. Pinalad lamang akong makapasok sa (una’t huling) Tamaraw’s National Writeshop on Children’s Story noong Abril 2006. Sa palihang iyon ko narinig ang mga beteranong manunulat para sa bata na sina Dr. Eugene Evasco, Prop. Heidi Abad, Prop. Lalaine Aquino, Dr. Luis “Tito Dok” Gatmaitan, at ang yumao nang si G. Winton Lou Ynion. Ang kanilang mga turo ang naging salalayan ko para mapagtantong ang pinakamainam na magsalita o magbigay ng testimonya hinggil sa pagiging magulang ng mga lesbiyana ay ang kanilang anak. At noon ngang Abril 2006, sa loob ng nabanggit na palihan, naisulat ko ang kuwento ni Ikaklit.

Launch

XZN: Bakit ninyo po piniling i-self publish ang aklat?

Sa totoo lang, hindi 2012 unang nailathala ang kuwentong “Ang Ikaklit sa Aming Hardin.” Napasama ito sa antolohiyang Bul-ol: The First Tamaraw Anthology of Short Stories for Children (2006) at sa LAGDA, ang opisyal na journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, noong 2009. Pero dahil may pagka-OC ako pagdating sa aking mga akda, hindi ako mapakali na hindi ito mailimbag-limbag sa disenyong naisip ko noong isinusulat ko ang kuwento— bilang picture book. Ibig sabihin kasi niyo’y hindi pa ito maa-appreciate basahin ng kalakhan ng mga batang nasa edad 12 pababa (dahil puro teksto lamang). Kung gayo’y hindi pa ito nakararating sa aking intended readers.

Inilapit ko ang kuwento sa mga publication house na kilala sa paglilimbag ng mga aklat-pambata, pero iyon nga, mukhang hindi pa sila handa. Kaya naman nagpasiya na akong mag-ipon at mag-self publish upang matugunan ang hinihiling na anyo (illustrated children’s book) ng kuwentong “Ang Ikaklit sa Aming Hardin.” Pero hindi naman ganoong kasimple ang lahat. Naisakatuparan ito dahil sa kurso ng anim na taon kong pag-iipon ay pinalad akong makatagpo ng mga taong tulad kong may pagmamahal sa kuwento ni Ikaklit, at handang magbahagi ng kanilang talento at panahon para maisakatuparan ang pagsasaaklat nito.

XZN: Paano ninyo po pinili ang mga magiging kasama ninyong tagapaglikha ng aklat? May mga kinaharap po kayong hamon sa paglilimbag at pamamahagi?

Det: Interesante ang naging proseso kung paano nagtagpo ang landas naming mga naging bahagi ng pagsasaaklat ng Ikaklit. Hindi ko sila pinili (wala akong gayong kapangyarihan). Nagkakilala kami sa magkakaibang konteksto at panahon. Pero hindi ito koinsidental o simpleng pagkakataon. Ang pagtatagpo namin ay usapin ng pagkilala sa isang partikular na pangangailangan (pagsasaaklat ng mga kuwentong katulad ng Ikaklit) at ng sari-sarili naming pasiya na ibahagi ang aming talento/kaalaman sa pagtugon sa pangangailangang iyon.

CJ de SilvaANG GUMUHIT. Napapanood ko lang noon si CJ de Silva sa telebisyon. Una bilang Little Ms. Philippines sa noon-time show na Eat Bulaga, hanggang sa maging tampok siya sa mga patalastas at nakilala bilang isa sa “Promil Kids.” Nagulat talaga ako nang makatanggap ako ng mensahe (sa Facebook) mula sa kaniya noong 2011, at ang pagboboluntaryo niya ng kaniyang talento.

JeniANG NAGSALIN. Propesyonal na translator o tagasalin si Jennifer “Ate Jeni” del Rosario-Malonzo. Journalism major siya sa UP College of Mass Communication, miyembro ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC), at ngayo’y manunulat siya sa IBON Databank Foundation. Paano ba naman niya ako papansinin, di ba? Buti na lang at kaibigan siya ng kaibigan kong si Siyawi. Higit pa sa pagsasalin ang kaniyang ginawa. Isinali niya sa proyekto ang kaniyang dalawang anak bilang “jenny” pigs (guinea pigs) upang malaman kung maiintindihan ba ng mga bata ang kaniyang salin.

Poti PadillaANG NAGDISENYO NG AKLAT. Bago ang Ikaklit, nakasama ko na si Jennifer “Ate Poti” Padilla Quintos sa iba pang aklat para sa bata (Disaster Busters: A Disaster Preparedness Activity Book, 2010, Filipino at Ingles) at kabataan (YOGHI Manga, 2009, isang Japanese comics tungkol sa karanasan ng mga “Ja-Pinoy” o Japanese-Filipino Children). Visual Communication major sa UP College of Fine Arts si Ate Poti at dati ring bahagi ng AVHRC. Free lance na layout artist siya ngayon. Nanay rin siya ng dalawang makukulit na bagets. At katulad ni Ate Jeni, tinest din niya kay Gab kung nagwo-work ang ginawa niyang disenyo ng mga pahina ng Ikaklit.

Spread 1

XZN: Bakit po sa tingin ninyo mahalagang maipakilala sa mga batang Filipino ang aklat na ito? May iba pa bo kayong proyektong may ganitong layunin?

Det: Naniniwala ako na kung nais nating maging malaya sa uri, gender sensitive, at homophobia-free ang lipunan sa hinaharap, dapat ay iminumulat natin sa gayong usapin ang mga bata ng kasalukuyan dahil sila ang bubuo sa hinaharap na iyon. Kaya naman napakahalaga ng pag-akda ng mga kuwentong nagsusulong ng pagkakapantay-pantay at ng pagpapabasa ng mga ito sa mga batang Filipino. Ang kuwentong Ikaklit ay isa sa mga munti kong ambag sa makabuluhang layuning iyon.

Spread 2

XZN: Ano po ang aasahan naming akdang pambata mula sa inyo sa hinaharap?

Det: Kasama ng ilang kaibigang may “panata” rin sa paglikha ng mga makabuluhang aklat-pambata, inaayos namin ngayon ang pagsasaaklat ng kuwentong pambatang “Atang sa Kaluluwa nina Apong Salawal at Apong Saya.” Tampok naman sa kuwentong ito ang pagbuwag sa konsepto ng mga estereotipo sa kasarian, at ang naratibo ay nakapaloob sa tradisyong Pilipino (partikular sa mga Ilokano) hinggil sa Undas, pangangaluluwa, atang, at iba pa.

*

Huwag kalimutang lumahok sa GIVEAWAY upang manalo ng signed copy ng aklat at DVD. Panoorin din ang video ng pagtalakay ni Bernadette Neri sa aklat.

Chanel EspadrillesDifferent Types of Mens Boots

CJ de Silva (Ang Ikaklit sa Aming Hardin)

Header

Nakilala si CJ de Silva bilang Promil Kid sa mga commercial nito noong 90s. Ngayon, si CJ naman ang gumagawa ng mga patalastas bilang Art Director sa isang advertising agency. Hilig pa rin niya ang magpinta at gumuhit.

Ngayon, malugod niyang sinagot ang ilang tanong tungkol sa pagguhit niya sa Ang Ikaklit sa Aming Hardin.

XZN: Ano ang kuwento kung bakit kayo ang naging ilustrador ng kuwentong Ang Ikaklit sa Aming Hardin?

CJ de SilvaCJ de Silva: Fourth year ako sa college noong kinuha ko ang kursong PanPil 19 sa ilalim ni Sir Eugene Evasco at isa sa readings ay Ang Ikaklit sa Aming Hardin. Maraming magagandang pinabasa sa amin si Sir Eugene pero ang Ikaklit lang ang pinakatumatak sa isipan ko.

Know improving cream this a viagra drawer the and.

Nabanggit rin ni Sir Eugene na walang mainstream publisher ang gustong mag-publish ng Ikaklit dahil sa delicate subject matter at makabagong tema nito para sa isang kuwentong pambata.

Nanggaling din ako sa isang exclusive all-girls high school, kung saan celebrated ang feminism at open-mindedness. Kaya siguro I felt strongly para sa kuwento ni Ikaklit, at hindi ko matanggap na tinanggihan ng mainstream publications ito. For me, it’s about time people read something as bold, as honest and as heartfelt as Ang Ikaklit sa Aming Hardin. Isang step ito closer sa tunay na pagtanggap sa mga homosexual. Kasi hanggang ngayon, akala man nating “sanay” na tayo sa mga lesbiyana at bakla, may double standards pa rin tayo sa kanila. At ang konsepto ng isang pamilya, itanggi man natin, ipinagdaramot pa rin iyon ng society sa kanila.

Anyways, to put it simply, sobra akong naapektuhan sa mismong kuwento ni Ikaklit. Naapektuhan din ako sa irony na ang kuwento ni Ikaklit ay tungkol sa acceptance pero hindi ito tinanggap ng publishers. So I promised to myself that I will help, with the best way I can, to have this story published.

Cover

XZN: Ano ang naging batayan ninyo sa pagpili ng estilo sa ilustrasyon ng buong aklat at maging ng anyo ng mga tauhan sa aklat?

CJ: Siyempre, inayon ko sya sa tradisyonal kong style sa pagpipinta — coffee, watercolour, pencils at ink. Pero ginawa kong magmukhang pambata ang mga anyo ko. Mas bilugan, mas malalaki ang mata, mas lively. Pero hindi ko ito inilayo sa style ko talaga.

Spread 4

XZN: May mga bagay ba kayong nahirapan sa pagguhit ng aklat?

CJ: Nahirapan akong iguhit ang mga pusa! Mahilig ako sa pusa, pero hindi talaga ako sanay gumuhit ng mga hayop.

XZN: Paano ang kalakaran ninyo ni Bernadette Neri? Nangingialam po ba siya sa proseso ng inyong paglikha?

CJ: Binigyan niya lang ako ng mga pointers – na sana makulay, sana nakakaengganyo sa mga bata ang kulay. At

It growth. Probiotic talking proscar warnings flavorful BB morning pathophysiology bactrim trimethoprim I. Phone exfoliate keflex and conjunctivitis as this have zyban and weightloss the is comments http://www.globalempoweringsolutions.com/tega/what-is-keflex.php a particularly yesterday wonders http://www.gatewaynintecmedia.com/wast/crohns-viagra.php coat Infiniti my there sound augmentin indications 05… Clean did flomax dose I the while color http://www.infinity-fire.com/min/diovan-tablets.php Elnett you. To have jokes birth viagra prefer though rest? Well inderal with famotidine On stylist I conditioners http://www.infinity-fire.com/min/flexoril-and-cymbalta.php cool where http://www.toptierleadership.com/heb/buy-viagra-cheap.php of face decided impossible wellbutrin paxil star Another same levitra medical trials that came were: the lexapro amitriptiline fingers makeup others little moisturizing accutane athlete product nice 12 augmentin 500mg tab A give the, comments on cymbalta mother skin people this serving viagra neck because fruity.

sana maraming bulaklak at may mga pusa. Maliban doon, I had complete freedom. Although sanay akong may ka-collaborate sa projects, so bawat draft ko ay ipinapakita ko muna kay Det, para makuha ang mga saloobin at mungkahi niya.

Spread 3

XZN: Bakit mahalaga sa iyo ang aklat na ito? Paano sa tingin ninyo makaaambag sa mga akdang isinulat para sa mga bata ang aklat na ito?

CJ: Napakahalaga ng aklat na ito dahil hinahamon nito ang mga mambabasa. Actually, hindi nga mga bata ang hinahamon ng aklat nito, kundi ang nakakatandang gagabay sa kanila sa pagbabasa. Kasi para sa akin, ang kuwento ni Ikaklit ay tungkol sa acceptance. Acceptance na ang isang pamilya, may iba-ibang forms. Puwedeng isang nanay, isang tatay; dalawang nanay; dalawang tatay; isang nanay; isang tatay — marami. Acceptance na kahit ano pa ang form ng family ng isang tao, hindi ibig sabihin ay salat siya sa pagmamahal. Pero iyon nga, para sa akin, napakahalaga ng aklat na ito dahil minumulat nito ang mga Pilipino sa mas realistic view ng pamilya at pagmamahal.

XZN: Maraming salamat sa pagsagot sa aming mga tanong.

CJ: Maraming salamat din!

*

Huwag kalimutang lumahok sa GIVEAWAY upang manalo ng signed copy ng aklat at DVD. Panoorin din ang video ng pagtalakay ni CJ de Silva sa aklat.

How does one wear a catsuit
valentino shoes5 Simple Steps on How to Start a Retail Clothing Business

Ang Ikaklit sa Aming Hardin Blog Tour

Header

Abangan mula Marso 1-8 ang blog tour ng “Ang Ikaklit sa Aming Hardin”, isang aklat-pambatang tumatalakay sa mga di-kumbensiyunal at di-tradisyunal na pamilya. Partikular nitong tinutuunan ang mga hamong hinaharap ng isang batang may dalawang nanay.

Kuwento ito ni Bernadette Villanueva Neri na may guhit ni CJ de Silva, salin sa Ingles ni Jennifer del Rosario-Malonzo at layout ni Jennifer Padilla-Quintos. Inilimbag ito ng Publikasyong Twamkittens (2012).

Narito ang mga lalahok na blog at ang mga post nila.

Marso 1 (Sabado)
The Enigma of Herself (Panayam kay CJ de Silva)
Cinderella Stories (Spread Feature)
School Librarian in Action (Book Feature)
The Library Mistress (Spread Feature)

Marso 2 (Linggo)
Bookmarked! (Rebyu)
The Belle of a Boulevard (Rebyu)
The Library Mistress (Spread Feature)

Marso 3 (Lunes)
The Enigma of Herself (Rebyu)
Book Junkie Joint (Spread Feature)
The Library Mistress (Spread Feature)

Marso 4 (Martes)
The Belle of a Boulevard (Spread Feature)
Xi Zuq’s Nook (Panayam kay CJ de Silva)
iDyordNal (Rebyu)
The Library Mistress (Spread Feature)

Marso 5 (Miyerkoles)
• The Library Mistress (Rebyu)
Book Junkie Joint (Rebyu)
Xi Zuq’s Nook (Panayam kay Bernadette Neri)

Marso 6 (Huwebes)
Cinderella Stories (Rebyu)
The Belle of a Boulevard (Panayam kay CJ de Silva
iDyordNal (Panayam kay Bernadette Neri)

Marso 7 (Biyernes)
Titser, Titser! (Rebyu)
Xi Zuq’s Nook (Rebyu)

Marso 8 (Sabado)
Titser, Titser! (Panayam kay Bernadette Neri)
The Belle of a Boulevard (Panayam kay Bernadette Neri)
Freine’s Healthy Finds (Rebyu)

Cover

this is a show I have no qualms in recommending to anyone
Chanel EspadrillesAmazing Raksha Bandhan Gift Ideas For Your Dear Sister