37th MIBF Checklist

14 September is a big day for book lovers! It’s the first day of the annual Manila International Book Fair (MIBF)! Running until 18 (Sunday), MIBF is the biggest book event in the country as local and foreign publishers sell most of their titles at discounted price!

For those who want to update their bookshelves with the latest local children’s and young adult books, we compiled a list of the 2016 releases. Just click the name of the publisher or the book to find more information.

Happy book hunting!

 

MIBF

 

ADARNA HOUSE

 

Links: price list, free MIBF tickets & book signing schedule, Anino Comics

*

 

ANVIL

 

Link: website

*

 

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY PRESS

 

Link: website

*

 

BOOKMARK

 

Links: website, book signing schedule

*

 

LAMPARA HOUSE

 

Links: website, events

*

 

OMF LITERATURE (HIYAS)

 

Links: other new titles, free MIBF tickets & book signing schedule

*

 

TAHANAN BOOKS

 

Links: free MIBF tickets, website

*

 

UNICEF CHILDREN’S FIRST

  • Anita the Duckling Diva | picture/storybook
  • Ang Bata sa Basket | picture/storybook
  • Ang Dalawang Haring Siga | picture/storybook
  • Ang Sabi ni Tatay, Ang Sabi ni Nanay | picture/storybook
  • Nina Wonders, Nina Asks | picture/storybook
  • Yaya Niya, Nanay Ko | picture/storybook

 

Available at NBS, Fully Booked, Precious Pages, and other bookstores.

*

 

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES PRESS

 

Link: website

*

 

VIBAL (CHIKITING BOOKS)

  • Alpabeto sa Bayong | picture/storybook
  • Bilangan sa Karagatan | picture/storybook
  • May Gulong na Bahay | picture/storybook
  • Si Julie Gandionco at ang Kaniyang Panaderya | picture/storybook
  • Tunogzzz | picture/storybook

 

Links: website, press release, brief descriptions

Panitikang Pambata sa Filipinas: 2000-2013

Binubuksan ni Eugene Y. Evasco ang talakayan tungkol sa panitikang pambata sa Filipinas sa aklat na Bumasa at Lumaya 2 ng isang paglalahad ng mga naging paratang sa industriya – hot pandesal mentality, masyadong wholesome, at kulang sa orihinalidad. Bagaman naiitindihan niya ang mga paratang na ito, inilalahad niya sa buong artikulo na marami nang naging “sagot” sa mga ito mula noong 2000 hanggang 2013.

Inilathala ng Anvil Publishing House ngayong taon, proyekto ng Philippine Board on Books for Young People ang Bumasa at Lumaya 2 upang magbigay ng mas napapanahong sanggunian tungkol sa panitikang pambata sa bansa. Simula kahapon hanggang sa ika-23, ang araw na ilulunsad ito sa Xavier School, San Juan, itatampok ng isang grupo ng mga blogger ang aklat na ito.

 

BL2 Blog Tour Banner

 

Komprehensibong Tala

Mainam na nagsimula ang Bumasa at Lumaya 2 sa isang pagsasakasaysayan ng panitikang pambata sa bansa dahil nabibigyan nito ng konteksto ang iba pang artikulo sa aklat. Ang nakatutuwa sa artikulong ito ay ang pagiging masaklaw ng mga idinidiin nitong mga paksa, tulad ng pag-usbong ng mga hindi tradisyonal na anyo ng mga aklat, radikal o hindi kumbensiyonal na paksa ng mga akda, pagsasalin, mga patimpalak at gawad sa paglikha ng mga akdang pambata, at kritisismo.

Mainam ding basahin ang nauna sanaysay ni Evasco na “Sitwasyon ng Panitikang Pambata sa Filipinas (2012-2013)” upang matingnan pa ang ibang nangyari sa mga larangang hindi nabanggit sa artikulo.

 

Bumasa at Lumaya

 

Paglikha Mula sa Rehiyon

Dahil sinusuportahan ko talaga ang paglikha ng mga aklat pambata sa iba’t ibang rehiyon sa Filipinas, natutuwa ako sa bahagi ng artikulo na inisa-isa ang mga nangyayari sa mga rehiyon labas ng Kamaynilaan. Sa pagbibigay ng espasyo sa paksang ito, nahihikayat ang pagpapatuloy at pagdami pa ng mga katulad na gawain.

Mapapansin lamang na hindi na tinatalakay pa ang usaping ito labas ng artikulo ni Evasco, maliban siguro sa panaka-nakang pagbanggit na hinihikayat ang paglalathala mula sa mga rehiyon. Umaasa akong lumago pa ang paglikha mula sa mga rehiyon at magkaroon sana sa susunod na edisyon ng Bumasa at Lumaya ng hiwalay na artikulo tungkol dito.

 *
Mula ang larawan ng aklat sa PBBY Facebook page.

Panawagan: Taas-Kamao

Matagal nang pinupuna ang panitikang pambata sa Pilipinas bilang “masyadong wholesome” o kaya nama’y hiwalay sa tradisyong makabayan ng panitikang Filipino. Nananatiling hadlang sa kapangahasan ng mga aklat pambata ang paniniwalang ito’y “para lamang sa mga bata” at sa mahigpit na pagbabantay ng mga institusyon gaya ng pamilya, paaralan, at simbahan. Ang proyektong ito ay tugon sa kakulangan ng pag-akda ng mga radikal, eksperimental, at rebolusyonaryong kuwento para sa mga bata.

Magsisilbing editor ng antolohiyang ito ay sina Eugene Y. Evasco at Segundo Matias, Jr. na parehong premyadong manunulat ng Gawad Palanca at Philippine Board on Books for Young People. Sila rin ay mga awtor at iskolar ng mga aklat pambata.

 

IMG_0286

 

Mga Mungkahing Paksa

– Mga bata sa panganib (gaya ng digmaan, batang manggagawa, militarisasyon sa kanayunan, pagkawasak ng kapaligiran dulot ng mga minahan, polusyon sa lawa, climate change, at cybercrimes).

– Mga batang biktima ng mga uri ng pang-aabuso.

– Buhay ng mga batang anak ng magsasaka, lumad, maralitang tagalungsod, o kaya’y manggagawa.

– Mga batang may ibang uri ng pamilya (may homosekswal na magulang, may hiwalay na magulang, o anak ng isang single parent).

– Mga realistikong kuwento na tumatalakay sa epekto ng kahirapan at ng tiwaling sistema ng lipunan at pamahalaan.

– Mga kuwentong nagsusulong ng kapayapaan.

– Mga kuwento laban sa diskriminasyon batay sa relihiyon, edad, lahi, ethnisidad, at uri (class).

– Mga kuwento tungkol sa responsableng pakikipamuhay sa daigdig.

– Mga kuwentong nagsusulong ng karapatang pantao, dignidad sa paggawa, pagkapantay-pantay ng kasarian at sekswalidad, at kapakanan ng mga naisantabi sa lipunang Filipino.

– Retelling ng mga kuwentong-bayan o fairy tales na may politikal na nilalaman o agenda.

– Mga kuwentong nagsusulong ng karapatang pantao at karapatang pambata.

– Mga kuwentong pambata na nanghihikayat ng kolektibong pagkilos, mapanuring pag-iisip, at paggamit ng haraya bilang paraan ng paglaya.

 

IMG_9823

 

Mga Tuntunin ng Pagpasa

– Sumulat ng isang pangahas na kuwentong pambata, maaaring sa nilalaman o sa paraan ng pagkakasulat. Maaaring mag-eksperimento sa paraan ng pagkukuwento na naiiba sa kumbensiyonal na katha. Ngunit tandaang para pa rin sa bata ang kathang inyong isusulat na ang edad ay pre-school hanggang grade school level.

– Tandaang mahalaga ang elemento ng pag-asa sa mga kuwentong pambata.

– Hindi kuwentong pampicture book ang aming hahanapin kundi mga kuwentong lalakipan ng isang pahinang ilustrasyon (illustrated story).

– Iwasan ang mga kuwentong pambata na masyadong didaktiko o lantarang nangangaral kaugnay sa tamang asal o kaugalian. Iwasan din ang mga cliché sa pagkukuwento para sa bata tulad ng paggamit ng panaginip upang manakot o kaya’y ang pagyayabangan ng mga tauhan.

– Ang kuwentong pambata’y hindi lalagpas sa sampung pahina, doble espasyo. Kompyuterisado ito sa Word file (.doc).

– Dapat ay nakasulat sa wikang Filipino ang mga kuwento.

– Kailangang maging bukas ang awtor sa anumang rebisyon batay sa mungkahi ng mga editor.

– Maglakip ng bionote at maikling buod sa inyong email kasama ng akda.

– Isang kuwento lamang ang maaaring ipadala ng manunulat kaya ipadala na ang inyong pinakamahusay na akda.

– Maaaring magpadala ng kuwentong pambatang nalathala o nagwagi ng premyong pampanitikan. Ang awtor ang may responsibilidad na humingi ng pahintulot sa publisher upang muling ilathala ang kaniyang piyesa.

– Deadline ng pagpasa ng akda ay sa Hulyo 1, 2016. Ipadala ang kuwento, bionote, at buod sa lamparapublishinghouse@gmail.com.

*

Mula sa anunsiyo sa Facebook account ni Dr. Eugene Y. Evasco ang panawagan.

Bookmark’s FABruary Book Launch

The Bookmark, Inc. will launch its new children’s books, featuring THERE’S A DIPLODOCUS IN THE HOUSE, PLAY, HUGGING THE TREES, AND OTHER INTERESTING TITLES on Wednesday, 24 February 2016, 5:30 in the afternoon at The Last Chukker, Manila Polo Club, McKinley Road, Brgy. Forbes Park, Makati City.

 

Yehey

 

Titles included in the launch are:

-There’s a Diplodocus in the House by Rebecca Añonuevo, illustrated by Sergio Bumatay III

-Yehey, May Pamilya na ring Mag-aaruga sa Akin! (Yehey, There’s a Family That Will Take Care of Me!) by Genaro Gojo Cruz, illustrated by Aaron Asis

-Play by Javier Delfin, illustrated by Shannah Orencio

-Legacy by Simon Godfrey Rodriguez, edited by Nina Macaraig-Gamboa, illustrated by Wylzter Gutierrez

-The Hero of Mount Pinatubo by Julian Christian B. Patdu, edited by Nina Macaraig-Gamboa, illustrated by Bea Lintag

-The World, My World, in My Eyes by Carl Matthew Rodriguez, edited by Nina Macaraig-Gamboa, illustrated by Ingrid G. Tan

-Hugging the Trees by Russell Molina, illustrated by Liza Flores

-Bangkang Bakunawa by Carla Pacis, translated by Randy Bustamante, illustrated by Edrick Daniel

-Handog ni Lola by Carla Pacis, translated by Randy Bustamante, illustrated by Seth Clarece Estacio

-Mapun by Carla Pacis, translated by Randy Bustamante, illustrated by Jose T. Gamboa and Herbert Consunji

-Ang Jin at ang Pawikan by Carla Pacis, translated by Randy Bustamante, illustrated by Jeanne P. Tan

-Biyaheng Page by Carla Pacis, translated by Randy Bustamante, illustrated by Lloyd Niguidula

 

Diplo

 

Authors and artists of the books will be present for book signing. Artists’ original works are also on exhibit and available for sale.

To RSVP, call 895-8061 and look for Tessie Homeres, Joseph T. Pirmejo, or Elaine Bagang, or leave a message at rsvp@bookmarkthefilipinobookstore.com.

*

Press release from The Bookmark, Inc.

2016 NCBA Call for Nominations

The National Book Development Board is now accepting nominations for the National Children’s Book Awards (NCBA).

Now on its 4th year, the National Book Development Board (NBDB) and the Philippine Board on Books for Young People (PBBY) will present the National Children’s Book Awards on July 2016. The NCBA will give honor to the best books for children and young adults (0-19 years) published during the years 2014 and 2015.

All publishers, authors, and illustrators are encouraged to submit their nominations. Deadline for submission is 12 February 2016, Friday, 5:00 pm. Nominations mailed from outside Metro Manila will be accepted if post marked February 12, 2016. For further inquiries, please contact the NBDB Secretariat through Mr. Ryan Esteban at telephone number (02) 929-3887 local 804 or email ryan.esteban@nbdb.gov.ph. [Download the NCBA 2016 Guidelines.]

 

NCBA WINNERS 18x 24 poster

*
Press release from the National Book Development Board

Anima Exhibit

Can a book have no paper but walls? No pages but floors? What if a book is larger than life… what are the odds of fantasizing in a “picturebook” into which one’s invited?

These questions welcomed visitors like me to “Anima: A Picturebook in Space,” an exhibit by award-winning children’s illustrator, Sergio Bumatay III, as it opened on 15 January 2016.

As his thesis for a Master of Fine Arts from the University of the Philippines College of Fine Arts, Bumatay elevates the picturebook as a narrative medium and showcases the rich imagination and creativity of children — good reasons to visit the exhibit!

 

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

 

Follow the Story

Epigraphed with Maurice Sendak’s words in his famous picturebook, Where the Wild Things Are: “…And the walls became the world all around,” the exhibit’s story follows the adventure of a child character in the world of dreams. And we all know what happens in a dream as a trope in children’s books, everything can happen.

Utilising this dream device, the child character enters a realm full of objects that could only exist in that space, but is substantiated in Bumatay’s art installations. So don’t be surprised to see a suitcase that oozes with a gluey substance, an inverted cow hanging on the ceiling, or pants with eyes.

You will definitely be amazed finding out what other strange things the child encounters in the realm of dreams and how the adventure ends!

 

New1

 

Celebrate Childhood

The exhibit somehow echoes his illustrations in the Rio Alma poetry book, May Darating na Trak Búkas, which was reviewed here. As in the book, Bumatay used commonplace materials to build a world — a thing a lot of children are experts at. They can make houses, monsters, and vehicles, for instance, out of cardboard boxes.

My favourite piece in the exhibit is actually the one made out of cardboard boxes. It looks like a rocket ship, with all the machinery drawn on the body, atop a pointed building with a snaky staircase. I remember doing a similar thing when I was young.

So be prepared to be in awe with how Bumatay transformed “insignificant objects” to create a playground of imagination.

 

New2

 

“Anima” runs until 29 January 2016. Also check out Bumatay’s review of Isang Harding Papel for Xi Zuq’s Nook.