Bernalyn Hapin Sastrillo

Ipinagdiriwang natin ngayon ang paglabas ng kauna-unahang aklat pambata ni Bernalyn Hapin Sastrillo! Pinamagatang Detective Boys of Masangkay: Ang Mangkukulam, isa itong nobelang tiyak na kagigiliwan ng mga bata at matandang mambabasa.

Kinausap natin si Berna tungkol sa kaniyang unang nobela at buhay bilang manunulat.

 

Photo

 

Hi, Berna! Sabik na kaming mabasa ang libro mo. Puwede mo ba kaming bigyan ng patikim sa kuwento nito?

Naka-set noong 1990s, ang Detective Boys of Masangkay: Ang Mangkukulam ay tungkol sa tatlong binatilyong gustong maging police detective at gayahin ang iniidolo nilang karakter sa isang anime show sa TV na si Detective Conan. Nakatira sina Uno, Junior, at Thirdy sa Masangkay, isang maliit na barangay na may sunod-sunod na kaso ng mga nawawalang hayop – at si Aling Binang, ang pinaniniwalaang mangkukulam sa kanilang lugar, ang pangunahing suspek. Isang araw, misteryosong nawala ang napakasikat na genius na bata, na mas kilala sa buong barangay bilang si Shino Kid. Kung maso-solve ba ng DBM ang misteryong ito, sundan n’yo sila sa libro!

 

Susundan talaga namin. Ikuwento mo na lang siguro kung paano nabuo ang librong ito?

Dati ko pa gustong magsulat tungkol sa kabataan ko. Batang ‘90s kasi ako, at tingin ko kabilang ako sa henerasyong may pinakamalayang kabataan. Kaya nung nakita ko ‘yung call ng PBBY na Kabanata Workshop para sa mga nobelang pambata, naisip kong magsulat ng isang nobelang naka-set noong 1990s. At dahil fan ako ni Detective Conan noon at naniniwala akong may angking curiosity ang mga bata na mag-solve ng mga palaisipang kaso,  bumuo ako ng isang detective story.

Noong nakapasok na sa workshop ‘yung manuscript ko, tinulungan ako ni Sir Allan Derain at Sir Nanoy Rafael na maibagay ‘yung detective story sa Philippine setting. Hindi naman talaga kasi parte ng pop culture natin ang detective stories, hindi tulad sa Japan at USA kung saan kinalakihan ng mga bata ‘yung mga kuwento ng Hardy Boys, ni Nancy Drew, at ni Detective Conan. No’ng tinanggap na ng Adarna House ang manuscript ng nobelang ‘to, si Ms. Ani Almario at Ms. Kata Garcia naman ‘yung naging mga gabay ko para mabuo ‘yung kuwento. At heto na nga ang Detective Boys of Masangkay: Ang Mangkukulam, handa nang ibahagi sa mga bata ngayon ang isang kuwentong magpapasilip sa kanila sa kabataan ng mga ate, kuya, tita, at tito nila.

 

Detective Boys of Masangkay - Ang Mangkukulam cover

 

Ang DBM ang kauna-unahan mong librong pambata. Paano ka napunta sa larangan ng panitikang pambata? At ano pa ang iba mong isinusulat?

Sa totoo lang, wala naman akong formal background sa pagsusulat ng nobelang pambata. Ang alam kong isulat noon ay pelikula at dula, pero dahil hindi ako natitigil sa paghahanap ng workshops na makakatulong pa sa paglinang ng pagsusulat ko, nakarating ako sa PBBY Kabanata Workshop. Doon ako na-expose sa children’s literature. Mas marami akong nakilalang children’s lit at YA authors, kaya ngayon, ang dami ng librong pambata sa bookshelves ko. At laking pasalamat ko sa naging mentors at co-fellows ko sa workshop na ito dahil natuto ako mula sa kanila kung paano magpatakbo at magtahi ng isang kuwentong pambata.

 

Pero alam naming mahilig ka talagang magbasa, kaya gusto naming malaman ang mga naging paborito mong librong pambata, local man o foreign?

Harry Potter series ang isa mga paborito kong librong pambata, kahit hindi ko pa ito tapos. Fan din ako ng Janus Silang series ni Edgar Samar at ng Tall Story ni Candy Gourlay. Sa YA books naman, nakahiligan ko ‘yung ilang nobela nina John Green, David Levithan, at Ned Vizzini.

 

JS1

 

Ano namang uri ng mga librong pambata ang gusto mo pang makitang ilabas sa ating bansa?

Umuusbong na talaga ‘yung children’s at YA literature dito sa bansa. Nakakatuwa na marami ng kabataang ngayon ang nahihilig magbasa ng mga nobela. Kaya, gusto ko pang makakita ng mas marami pang nobelang pambatang gawa ng Filipino authors na may setting na Pinoy na Pinoy – kung saan makaka-relate ang mga bata ngayon at mga naging bata noon.

 

Ano ang aabangan namin sa iyo?  At may mga balak ka bang likhain para sa mga bata?

Dahil sa isyu ng pagbabago ilang bahagi ng Philippine history na dulot ng social media, gusto kong makapagsulat ng picture books o nobelang pambata na magpapaalala sa kanila kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon. Bilang manunulat ng librong pambata, tingin ko meron akong malaking responsabilidad para tulungan ang mga kabataan na magkaroon ng access sa katotohanan – kahit pa ibabahagi ko ‘yun sa kanila sa pamamagitan ng isang kuwento.

Pero bago tayo pumunta sa mga balak ko pang isulat, dito po muna tayo sa kauna-unahan kong librong pambata. Sa September 18, magkakaroon ng book signing sa booth ng Adarna House para sa Detective Boys of Masangkay: Ang Mangkukulam. Sana magkita-kita po tayo doon!

 

Aabangan talaga namin ‘yan! Maraming salamat ulit sa panayam, Berna!

Genaro Gojo Cruz

Isa sa mga naging bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Book Day ay ang paggawad kay Genaro Gojo Cruz ng PBBY-Salanga Prize para sa kaniyang maikling kuwentong pambata na “Makinang Makinang.” Isang guro ng panitikan sa Genaro at marami nang naisulat na aklat pambata at napanalunang mga patimpalak sa pagsusulat.

Kinapanayam namin si Genaro tungkol sa kaniyang pagkapanalo, ang kaniyang nanalong lahok, at ang buhay niya bilang manunulat para sa mga bata.

*

Pagbati pong muli sa pagkapanalo ninyo ngayong taon. Hindi po ito ang una ninyong pagkapanalo sa isang patimpalak sa pagsusulat para sa mga bata. Paano po nagiging bahagi ang mga patimpalak sa buhay ninyo bilang manunulat?

Parang ang mga patimpalak tulad ng PBBY ang aking nagiging gasoline upang makasulat ng mga kuwento para sa mga bata. Actually, di ko na concern kung mananalo o hindi, basta ang makasulat ako ng bagong kuwento, ayos na sa akin. Kung di man pinalad na manalo, ayos lang sa akin kasi ginagawa ko naman itong libro. Kung manalo man, bonus na iyon talaga sa akin.

 

IMG_1921

 

Nakatutuwa po ang konsepto ng “Makinang Makinang.” Paano po nabuo ang konseptong ito? At ano po ang naging proseso ninyo sa pagsulat nito?

Matagal na itong nasa aking utak. Kumbaga parang hinog na hinog na ang kuwento nang isulat ko ito noong Nobyembre 2015 sa panahon ng APEC at walang klase. Ang Nanay ko ay isang mananahi kaya ang mga deskripsiyon ko sa makina at ang mga inilahad na karanasan ng bata sa kuwento ay mga batay sa totoo kong karanasan noong bata.

 

Ang tema po ng pagdiriwang ng NCBD ngayong taon ay Bumasa at Lumaya. Mayroon po ba kayong karanasan na nagbasa at “lumaya” kayo sa isang bagay?

Sa mga sandaling nagsusulat ako ng mga akda para sa mga bata ay nakadarama ako ng paglaya. Ngayong matanda na ako saka ko lang napag-isip-isip na noong bata ako ay nakakulong pala ako sa mga gawaing-bahay, sa mabibigat na tungkuling pangmatanda. Ang pagsulat ng mga akda para sa mga bata, kung gayon, ay isang paglaya sa akin upang maging masaya, maglaro, sumulat, magtanong, at iba pa.

 

Genaro

 

Karamihan po ng mga lumabas ninyong aklat kamakailan ay isinulat para sa mga batang natututo o nagsisimula pa lamang magbasa. Bakit po ninyo naisipang magsulat para sa grupong ito?

Nakikita ko kasing medyo bumabaha na ng mga aklat para sa mga bata na may edad 8 hanggang 12. Naisip kong bigyang-pansin ang mas bata pa, ang 0-4, na ang tingin sa mga aklat ay laruan muna. Gusto kong hawakan nila ang aking mga gagawing aklat na parang laruan muna. At ngayon ko nalaman na mas mahirap pa lang sumulat ng kuwento para sa 0-4 na mga bata. Nagkukuwento ka na parang walang ikinukuwento. Nagsusulat ng kuwento gamit ang kakaunting mga salita. Ito ang pamantayan ko, kahit pang-0- 4 ang kuwento, kailangang may nangyayari o nagaganap sa kuwento at di lang parang listahan ng mga salita.

 

At ano pa po ang aasahan naming mga aklat sa inyo sa hinaharap? 

Balak kong magsulat pa ng mga aklat para sa mga 0-4 na bata, at makapaglathala ng koleksiyon ng mga tula para sa mga bata, alphabet book, at iba pa. Gusto ko ring gumawa ng mga aklat para sa mga bata na magtuturo sa kanila sa tamang paggamit ng wikang Filipino. Gusto ko ang isang aklat sa gramatika na nakapaloob sa kuwento at hindi itsurang teksbuk.

 

Ooh. Kaabang-abang po ang mga balak ninyong iyan. Maraming salamat po ulit! 

Mark Lawrence Andres

MarkIsa sa mga pinarangan noong Martes sa National Children’s Book Day si Mark Lawrence Andres ng PBBY-Alcala Prize para sa kaniyang mga guhit sa kuwentong “Makinang Makinang” ni Genaro Gojo Cruz. Si Mark ay isang graphic designer at kasapi ng Ang Ilustrador ng Kabataan.

Malugod niyang sinagot ang ilang tanong namin tungkol sa kaniyang pagkapanalo at sa mga gawain niya bilang ilustrador para sa mga bata.

*

Pagbating muli sa pagkapanalo mo ngayong taon. Ito ang una mong pagkapanalo sa isang patimpalak sa pagguhit para sa mga bata. Bakit mo napagdesisyunang sumali ngayong taon?

Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sumali sa patimpalak na ito. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras at lakas ng loob para magpasa ng entry.

 

Nakatutuwa ang interpretasyon mo ng kuwento ni Genaro Gojo Cruz na “Makinang Makinang.” Ano ang naging proseso mo sa pagbuo ng inilahok na mga guhit?

Binasa ko muna ang buong kuwento, saka ko pinili ang mga paborito kong bahagi. Isa sa mga napili kong eksena ay ‘yong naglalaro ang bata sa makina habang nananahi ang kaniyang ina. Noong bata ako, isa rin sa paborito kong palaruan ang makinang panahi. Isa rin sa mga eksenang gusto kong iguhit ay ang pagkukuwento ng nanay tungkol sa nakaraan ng pamilya niya sa giyera. Mabigat at mahalaga ang bahaging iyon ng kuwento, kaya gumamit ako ng simbolismo para ilarawan ito. Sa kabuuan, mas nakikita ko na sa pagmamahalan ng mag-ina umiikot ang kuwento kaysa sa makinang makinang. Para sa huling eksena, ginuhit ko ang anak na masayang sinusukatan ang ina para ilarawan ang pagmamahal nila.

 

Mark2

 

Ang tema ng pagdiriwang ng NCBD ngayong taon ay Bumasa at Lumaya. Mayroon ka bang karanasan na nagbasa ka at “lumaya” sa isang bagay?

Tuwing nagbabasa ako ng libro, lagi akong napupunta sa ibang lugar, ibang panahon, o ibang katauhan. Para sa akin, malaya ako tuwing nararanasan ko ang mga ito tuwing nagbabasa ng libro.

 

Karamihan ng mga lumabas mong aklat pambata ay nasa mga rehiyonal na wika sa bansa. Maaari mo bang ikuwento ang mga naging karanasan mo sa pagguhit sa mga ito?

Mayroon akong tatlong libro tungkol sa pamumuhay ng mga Tboli, Blaan, at Tagakaolo. Upang higit silang makilala, pumunta kami sa mga pamayanan nila noong 2013. Dito ko nakita ang tunay nilang pamumuhay – ang mga kasuotan nila, hitsura ng mga bahay nila, pati na ang mga kagamitan nila. Sa unang tingin, parang magkakapareho lang ang mga ito sa bawat pangkat. Nakatutuwang makita ang maliliit na detalye na may iba’t ibang kahulugan sa bawat pangkat.

 

Mark4

 

Sino/ano ang naging mga inspirasyon mo sa iyong pagguhit para sa mga bata

Mahilig akong mag-eksperimento at sumubok ng iba’t ibang estilo sa pagguhit. Kumukuha ako ng inspirasyon sa mga koleksiyon ko ng graphic novels at artbooks pero  ang may pinakamalaking impluwensiya sa akin ay ang mga kaibigan kong ilustrador din.

 

At ano ang aasahan naming mga aklat sa iyo sa hinaharap?

Sa ngayon, gumuguhit ako para sa isang librong nakasalin din sa isang rehiyonal na wika. Sana mailalathala ito bago matapos ang taon. Bukod sa pagguhit para sa mga storybook, gusto ko sanang gumuhit ng komiks ngayong taon.

 

Nppls

 

Aabangan namin ‘yan, at maraming salamat ulit, Mark!

Emmy L. Masola

NoelIsa si Emmy L. Masola sa mga táong nasa likod ng matagumpay na pagpadayon na ginagawa ng Dungug Kinaray-a, isang grupo ng mga manunulat sa loob at labas ng Antique na layuning maitampok ang kapangyarihan ng wika at kulturang Karay-a. Isang proyekto nila ang paghikayat sa kabataan na magsulat sa pamamagitan ng kanilang pakontes sa tula, kanta, maikling kuwento, at kuwentong pambata.

Kinapanayam siya ni Noel G. de Leon tungkol sa kaniyang pagsusulat, papel sa Dungug Kinaray-a, at paghubog sa panulat ng kabataang Karay-a.

*

Ang Dungug Kinaray-a ang nangungunang grupo ng mga manunulat na may malasakit sa wika at kultura ng mga Karay-a. Paano ito nagsimula at ano ang papel mo sa grupo?

Higit dalawampu’t limang taon na ang nakalipas mula nang may mga manunulat sa Kinaray-a ang naghangad na makalabas sa anino ng iba pang wika. Sa panahong iyon, kakapiranggot pa ang mga akda sa Kinaray-a. Napansin ito ni Ritchie D. Pagunsan, isang Karay-a, kaya itinatag niya ang DK na may hangaring palaguin ang paggamit ng wikang Kinaray-a.

Niyaya niya ang iba pang Karay-a mula sa iba’t ibang panig ng mundo at estado ng pagsusulat. Kasama kong tumanggap ng hamon sina Maria Milagros C. Geremia-Lachica, Ma. Felicia M. Flores, Glenn Sevilla Mas, Linda C. Arnaez-Lee, Consolita V. Rubino, Arlene D. Nietes-Satapornvanit, Bernie L. Salcedo, kag Manuel E. Magbanua, Jr. Sama-sama naming itinayo ang DK noong 2006 para ipagpatuloy ang pagsulat sa aming sariling wika at bigyan ito ng kaukulang pangangalaga upang mapigilan ang unti-unti nitong pagkalusaw hindi lamang sa larangan ng panitikan kundi pati na rin sa lipunan.

Dala ng aming madalas na pag-uusap tungkol sa kalagayan ng Kinaray-a, iminungkahi ko ang pagtuon sa malaking balakid sa pagpalaganap ng Kinaray-a – ang hiya at pagmamaliit na ikinakabit sa wikang ito. Binigyang-diin ko ang hangaring palaganapin ang wikang ito sa iba’t ibang paraan hanggang sa dumating ang araw na hindi na ito ikahiya ng mga Karay-a o maliitin ng ibang tao.

Sekretarya ako ng DK pero itinuturing kong pinakamahalagang papel ko sa grupo ang pagpapanatili ng ugnayan ng mga miyembro sa isa’t isa, pagtingin na buo at nagkakaisa ang aming adhikain at gawain, at higit sa lahat, pagtiyak na hindi kami puro salita at hangarin lamang.

 

13551005_10209245417429583_1233348821_n

 

Kuwentuhan mo kami kung paano ka nagsimulang magsulat sa Kinaray-a? At paano nakaapekto ang pagiging bahagi mo ng Dungug Kinaray-a?

Sa simula, napilitan lang akong magsulat sa Kinaray-a dahil nagkaroon ang Dungug Kinaray-a (DK) ng website at kailangang meron kaming mailathalang akda araw-araw. Pilít man sa umpisa, pag nasa pangalawang taludtod na ako, may kakaiba akong nararamdaman – ‘yong parang batis na tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga salita sa aking isipan, ‘yong hindi mahabol-habol ng aking mga kamay ang pagsulat ng mga salitang nanganganak nang nanganganak sa aking isipan, at ‘yong sa loob lamang ng dalawang oras ay tapos ko na ang isang maikling kuwento.

Kakaiba ito para sa akin dahil mahilig ako magsulat at nasanay na magsulat lamang sa Ingles o, paminsan-minsan, sa Filipino. Mas masarap pala magsulat sa sariling wika. Mas tumitingkad ang bawat diyalogo, nagiging makulay at makatotohonan ang mga pangyayari, at buhay na buhay ang mga karakter dahil siguro ay mas may ugnayan ako sa kanila dala ng pakiramdam kong parang kasama ko sila sa aking araw-araw na pamumuhay, mula pagkabata hanggang ngayon.

Mula noon, nakita ko ang kagandahan ng pagsusulat sa ating sariling wika. Naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ni Dr. Leoncio P. Deriada na mas mainam gamitin ang sariling wika sa pagsusulat. Matagal ko na itong narinig sa kaniya pero hindi ko pa nasubukang gawin at noong una akong nagsulat sa Kinaray-a, biglang naging malinaw ang lahat ng ibig niyang sabihin.

 

Sino-sino naman ang kakontemporaneo mo sa pagsusulat sa Kinaray-a? At sino-sino ang mga hinahangaan mo dahil sa ambag nila sa paglago ng Panitikang Kinaray-a?

Ang una-unang kilalanin na manunulat na may malaking ambag sa paglago ng Kinaray-a ay ang aming presidente at founder ng DK na si Ritchie D. Pagunsan dahil ang kaniyang bisyon na palaguin ang Kinaray-a ang nagpalaganap ng paggamit ng wikang ito at nagpakilala ng Panitikang Kinaray-a hindi lamang sa ating bansa kundi pati na sa buong mundo.

Marami namang manunulat na Karay-a pero karamihan sa kanila ay nagsulat gamit ang ibang wika. Meron ding patuloy na nagsusulat sa Kinaray-a ngunit, dahil sila ay nag-iisa, hindi masyadong nararamdaman ang kanilang mga akda at pagsisikap.  Kung kaya, hindi natin mapagkaila na malaki ang naambag ni Pagunsan sa paglago ng Panitikang Kinaray-a dahil tinipon niya ang mga Karay-a na may kapareho niyang layunin.

Maliban kay Pagunsan, ang mga tumanggap ng hamon ng DK ang maituturing kong kakontemporaneo ko sa pagsusulat sa Kinaray-a. Manunulat sila sa Kinaray-a na walang sawang humahabi ng mga kuwentong nagpapakilala ng kultura, tradisyon, paniniwala, at saloobin ng mga Karay-a sa buong mundo. Nag-ambag-ambag kami ng kuro-kuro, paniniwala, karanasan, at kadalubhasaan upang mabuo ang aming misyon, bisyon, at mga hangarin na naging gabay namin sa aming araw-araw na gawain sa DK.

 

Ano-ano ang matitingkad mong karanasan sa Panitikang Kinaray-a?

Halos sampung taon pa lang ang aking karanasan sa Panitikang Kinaray-a at nagsimula ito noong inumpisahan nga namin ang DK, pero masasabi kong napakalalim na ng pinagdaanan ko dahil pinag-uusapan, sinusuri, at pinag-aaralan namin ito sa DK halos araw-araw. Kaya isa sa pinakamatingkad kong karanasan sa Panitikang Kinaray-a ang makapagbuo ng alituntuning panggramatika at pang-ortograpiya na sa tingin ko’y magagawa lamang nang wasto at angkop ng isang taong babad sa wikang ito.

Isa rin sa pinakamatingkad kong karanasan ay noong nagkaroon kami ng Pista Mitolohiya sa DK kung saan napili kong isulat ang mga kuwento na tamawo ang mga karakter. Malinaw ang karanasan ko sa mga tamawo dahil noong aking kabataan, namalagi ako sa lugar ng tatay ko na kitang-kita sa bintana ng aming silid ang malaking puno ng bobog, ang pinaniwalaang bahay ng mga tamawo. Para sa akin, parang kapitbahay, kaibigan, at kamag-anak ko na ang mga tamawo. Kailanma’y di ko sila itinuring na iba sa akin kahit na di ko sila nakikita. Dahil dito, lunas sa aking pananabik sa mga kuwento ang pagsulat tungkol sa mga tamawo.

 

13553225_10209245494471509_972650200_n

 

At mababasa nga natin ang tungkol sa mga tamawo sa bago mong libro, Ang mga Istorya ni Tamawina. Tungkol saan ito at saan ito available para sa mga interesadong magbasa?

Ang mga Istorya ni Tamawina ay koleksiyon ng aking maiikling kuwento na nailathala na sa DK website. Kalahati nito ay may mga tamawo na karakter at ang kalahati naman ay mga tao. Pag-ibig ang tema ng karamihan sa aking mga kuwento – pagmamahalan ng tamawo sa tamawo, tamawo sa tao, at tao sa tao. Pinagsama-sama ko ang mga ito at ginawang kuwento ni Tamawina, ang prinsesa ng mga tamawo na kathang-isip ko lamang ngunit binabalak kong maging importanteng tagalahad ng mga kuwentong aking isinulat at susulatin pa. Marahil, balang araw, mabuo ko na rin ang talambuhay ni Tamawina at maging isang libro rin ito.

Limitado lamang ang mga paunang kopyang aming nailimbag kaya sold out na ito sa ngayon.  Ngunit sa mga gustong magkaroon ng kopya, mabibili ito sa Amazon.

 

Gusto nga ng Dungug Kinaray-a na hikayatin ang iba pa na magsulat sa Kinaray-a. At isang paraan ninyo ang regular na patimpalak sa pagsulat. Tungkol saan ito?

Noong 2007 pagsulat ng maikling kuwento na bukas ang tema ang pinakauna naming patimpalak. Naging matagumpay ito kung kaya’t ginawa namin itong taunan at mayroong tiyak na tema, at minsa’y may kasamang interpretasyon at pagtalumpati.

Unti-unti naming dinagdagan ang mga kategorya. Mula sa maikling kuwento, idinagdag namin ang kuwentong pambata, tula, at ang pinakahuli ang pagsulat ng kanta o awitin. Isa sa importanteng bunga ng pakontes na ito ay ang paglathala namin, taon-taon, ng mga antolohiya ng mga piling akda.

Ngayong taon, sa pagdiriwang ng aming ikasampung taon, mananatili pa rin ang apat na mga kategoryang binanggit ko kanina at ang tema para sa awitin ay daigun. Magkakaroon din kami ng Dungganun nga Karay-a Award, ang pagpili sa isang Karay-a na malaki at mahalaga ang naiambag sa wikang Kinaray-a.

 

12294718_1077945268916977_2713300720700232897_n

 

Nagsilbi ka ring editor ng ilang librong inilabas ng Dungug Kinaray-a. Karamihan ng mga ito ay isinulat ng mga kabataan. Ano ang napapansin mo sa paraan nila ng pagsusulat?

Malaya, malalim, mapangahas, at puno ng pag-asa kung mag-isip at magsulat ang mga kabataan ngayon. Káya ng mga kabataang Karay-a na ipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang akda kahit hindi ito ordinaryo o kanais-nais, at pilit nilang inaarok ang kasulok-sulukan ng isipan ng bawat karakter na kung minsan ay hindi pangkaraniwang naiisip, at kung maisipan man ay hindi basta-bastang mailalahad dahil ito ay kakaiba.

Bukod-tangi namang lumilitaw ang tema ng pag-asa. Halos lahat ng mga nabasa kong isinulat ng mga kabataan ay laging puno ng pag-asa o laging nagtatapos sa tagumpay kahit na anumang hirap ang pinagdaraanan. Marahil ganito mag-isip ang mga kabataang Karay-a at marahil ito rin ay nagpapahiwatig na magiging maganda ang ating kinabukasan dahil ang mga taong maging bahagi nito ay naghahangad ng tagumpay.

Kapansin-pansin lang ang paggamit nila ng Kinaray-a dahil kadalasa’y nahahaluan na ito ng mga salitang Tagalog, na sa tingin ko ay bunga ng pag-aaral ng asignaturang Filipino at ang malawakang impluwensiya ng telebisyon, radyo, babasahin, at social media.

Dahil din sa mga gawaing inumpisahan ng DK, unti-unting natuto ang mga kabataang manunulat sa Kinaray-a na intindihin ang aming kultura, hangaan ang mga akdang Kinaray-a, at ipagmalaki ang sariling wika.

 

Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang nagsusulat sa Kinaray-a?

Magsulat nang magsulat at huwag munang alalahanin ang gramatika at pagbaybay. Mahalagang maisusulat muna nila ang mga kuwentong nais nilang ibahagi dahil alam kong marami pa silang mahalagang saloobin at nakakaaliw na kuwento na dapat mailahad upang pagyamanin ang ating kultura at panitikan. Habang ang mga dalubhasa at mga taong akademiko ay abala sa paggawa ng ortograpiya at batayan sa pagsulat, mas mainam na ang mga kabataan ay patuloy lamang na magsulat at ipaubaya na muna sa mga editor ang pagsasaayos ng balarila.

Hindi ibig sabihin nito na pabayaan na nila ang ortograpiyang Kinaray-a. Dapat din na makilahok sila sa mga usapin ukol dito lalo pa’t may bitbit silang karanasan na maaaring makatulong sa gawaing ito; aralin ang mga nabubuong gabay at batayan sa pagsulat sa Kinaray-a; at higit sa lahat, kailangan din nilang magbasa nang magbasa ng mga kuwento at akdang Kinaray-a nang sa gayon ay mapabuti nila ang kanilang kakayahan sa pagsulat sa wikang Kinaray-a.

 

13570280_10209245475831043_956182105_o

 

Sa kasalukuyan, paano sa tingin mo nakapag-aambag sa Pambansang Panitikan ang mga ginagawa ng Dungug Kinaray-a?

Hindi maipagkaila na ang DK ang nagpakilala ng wikang Kinaray-a sa mundo ng Pambansang Panitikan. Bago pa kami makipag-ugnayan sa aming mga kapilas sa ibang rehiyon at sumali sa mga samahan at gawain sa Metro Manila, isa ang Kinaray-a sa mga wika sa bansa na walang ganoong naiambag sa Pambansang Panitikan.  Nang sinimulan namin ang aming website, pagdalo sa mga mahalagang gawaing pampanitikan, pakikipag-ugnayan sa mga literati, at paglathala ng aming mga patimpalak sa mga pahayagan at social media, unti-unting nakilala ang wikang Kinaray-a. Mula noon, nakilala ito bilang isang mahalagang wika sa bansa at tagaambag sa Pambansang Panitikan.

Bukod dito, ang ibang Karay-a na dati-rati’y nagsusulat gamit ang wikang banyaga, nagsimula na ring mag-ambag ng kanilang kakayahan, dunong, at impluwensiya gamit ang wikang Kinaray-a. Lumawak din ang reading literacy dala ng pagsusumikap ng DK na maabot ang mga tao sa liblib at malalayong pook na ngayo’y nagsumikap nang magbasa dahil ang mga kuwento ay nakasulat sa kanilang sariling wika.

 

Sunod-sunod ang labas ng mga libro ng DK nitong mga nakaraang taon. Sampung taon mula ngayon, saan ito sa palagay mo papunta?

Sampung taon mula ngayon, hindi malayong maging isang awtoridad sa wikang Kinaray-a ang DK, lalo pa’t sa panahong iyon marahil ay laganap na ang paggamit ng komprehensibong ortograpiyang Kinaray-a na aming binubuo ngayon. Marahil, mayroon na rin kaming makabuluhang dami ng mga natuklasan at naalagaang manunulat sa Kinaray-a na magbibigay dangal sa wikang ito, hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

Nais ko ring makita na hindi lamang DK ang nagkukumahog na magpayaman at magpalago ng wikang Kinaray-a sa pamamagitan ng paglimbag ng mga librong Kinaray-a, kundi pati na rin ang iba pang mga Karay-a at mga samahang pampanitikan sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon, bansa, at mundo. Hangad ko na, sa malapit na hinaharap, maging madali na para sa mga Karay-a ang pagkuha ng mga libro ng Panitikang Kinaray-a.

*

Si Noel Galon de Leon ay guro sa Unibersidad ng San Agustin sa Iloilo. Nagtuturo siya ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino sa Senior High School, Basic Education Department ng nasabing unibersidad. Marami sa kaniyang mga panayam sa mga manunulat ng Kanlurang Visayas ay mababasa sa Kalatas: Philippine Literature, Culture, and Ideas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. Siya ang awtor ng aklat pambatang Sanday Tay Alib kag Tay Amar (Kasingkasing Press, 2014). Maari siyang kontakin sa ngalon@usa.edu.ph.

 

Padmapani Perez

Padma ProfilePublications of books about the indigenous peoples in the Philippines are a reason to celebrate! And we are featuring one quality children’s book released last year about the Kalanguya people in the Cordillera. Entitled Shelah Goes to a Da-ngah, it is conceptualised by writer and anthropologist Padmapani Perez.

Padma and her sister Feliz run the famous Mt Cloud Bookshop in Baguio City. She devotes her waking hours to motherhood, writing, her work in the academe, and researching environmental issues. Her anthropological work can soon be read in her forthcoming book, Green Entanglements: Nature Conservation and Indigenous Peoples’ Rights in Indonesia and the Philippines, to be published by the University of the Philippines Press. She is currently a Research Fellow of Far Eastern University.

As we added Shelah Goes to a Da-ngah to our growing database of children’s books about/by/for Philippine indigenous people, we sent Padma some questions about the book, and she gladly answered them.

*

You mentioned in the book that Shela Goes to a Da-ngah is your expression of gratitude to the Kalanguya people in Tawangan for welcoming you in their community during your fieldwork in 2004 and 2005. Why a children’s book?

It took me a long time to figure out what it was that I could give back to the Tawangan community. From the beginning I knew I wanted it to be something I could make or do myself, and something that would reflect our relationship, rather than something anyone could just buy and give away. I also knew that I wanted it be something tailored to the community, something that could be part of their future. For years I lived with the question, What can I do for them? This later became the question, What can I do? The answer was, I can write.

A children’s book fit the criteria I set for myself: it could be about the Kalanguya, it could be about their culture, and it would tell a story that could be a part of their future.

 

Shela

 

Children’s books about indigenous people in the Philippines usually portray an aspect of the group’s traditional culture. In this book, you chose to feature the Kalanguya’s da-ngah. Can you tell us more about this practice?

The da-ngah belongs to the forms of cooperative labour around the Philippines that we know as bayanihan. Here’s an excerpt from my dissertation describing the da-ngah:

“When a person needs assistance in completing or quickening a difficult task such as carrying timber for a house from the pine forests, or even setting the foundation for building a new house, then this person can call for a da-ngah. In the da-ngah, the person’s kailian gather together to assist in the task at hand. Usually, the size of the group and their collective labour makes it possible to complete the task in one day. Thus, the da-ngah is reserved for tasks that can be completed in a day by a large group of people working together. In exchange for the help, the person who called his/her kailian must feed the assembled labourers for the day with rice and meat, and also provide them with tapey, or rice beer.

Certain rules apply in the da-ngah. A person cannot respond to a call for da-ngah if he/she is not kailian. This is because without the relationship of kailian there is no obligation to reciprocate either the labour or the food. It is this principle of reciprocity that makes the da-ngah effective and the kailian a cohesive group. Also, individuals must not call for a da-ngah often, and take too much of other people’s time from their own work or concerns. In fact, it is considered good practice to wait until one or two other kailian have called for da-ngah before considering to hold a second one in a year. If one is constantly absent from other people’s da-ngah, social sanctions will come in the form of people refusing to attend the transgressor’s da-ngah, and ultimately, the elders may ask such a delinquent kailian to shift his/her membership to one of the other cooperative groups existing in Tawangan. This shows that for the Kalanguya, social cohesion and the maintenance of good relations among community members are of utmost importance, and this is evident in the continuing practice of the da-ngah.”1

I hope this description answers your questions on the da-ngah. There was one da-ngah that was held in Tawangan during my fieldwork there. In interviews and focus group discussions, elders, community leaders, and young parents would often mention the da-ngah as something that was important to them as a community, and as something they hoped would not disappear, no matter how much the Kalanguya were changing over time. That’s why I chose to focus on the da-ngah, in recognition of their desire to make this tradition of helping last. I also decided to set the story in contemporary times to emphasise that this is a story about a living practice that is cherished by today’s Kalanguya – not just a thing of the past.

 

Shelah cut and paste 4-5

 

The part that catches my attention the most is when Shelah found a way to participate in the da-ngah, which is described as something adults do. How did you come up with this idea? Does this reflect your view on children and childhood?

First of all, I’ve always loved storybooks in which children save the day in a grownup world, not necessarily with super powers or magic, but just by paying attention to the things around them and asserting themselves – things which kids are very good at, especially if encouraged.

I guess you could say that Shelah is the kind of kid I like a lot. She’s inquisitive, assertive, independent, has a mind of her own. Kids in Tawangan are incredibly independent. They spend a lot of time playing unsupervised by adults. They also run errands, do household chores, take care of their younger siblings and playmates, and they can handle bolos and other blades like experts, ha-ha. My admiration for their capabilities, responsibilities, and my fascination with the wild, resourceful fun they had made me want to write about a kid like that.

So yes, Shelah’s participation in the da-ngah reflects my views on kids and childhood, and I was also being playful with ideas about tradition and change. Despite their independence, Kalanguya kids are very shy. Most of the Kalanguya I know are generally very shy and don’t like to draw attention to, or claim credit for, themselves. So in that sense, Shelah is a different sort of little girl. She’s more outspoken than most Kalanguya kids. Shelah doesn’t hesitate to speak up, and by finding her own way of participating in the da-ngah, she suggests positive change.

 

I’ve also noticed that the text layout is somehow different from the usual bilingual books. Instead of having two separate blocks of texts in two languages, the book has translations after every paragraph or lines. How did you reach this layout decision?

To be honest, I think this happened because that’s how the translation proceeded. Shiela (the translator) and I worked on the translation line by line, and it got sent on to the book designer like that. I’m afraid we didn’t give the format much thought. Pfffft.

That said, we got interesting feedback from teachers in Tawangan. They said that the translation was not “pure” Kalanguya and that some Iluko found its way into the book. This brings to mind a point you raised in the kid’s lit fest last year, about the challenges of translation and the lack of translators for mother-tongue languages.

 

Shelah1

`

You gathered a team of creators to produce the book. What are the stories behind their involvement in the book project? Let’s start with Mika O. Song who did the wonderful illustrations.

Mika is my childhood friend and one of my best friends. Ever since we were in high school, we had all sorts of crazy ideas for things we would create or produce together. She moved to the US when she was in high school but we kept in touch through letters and emails. She went on to illustrate her own comics, animation for kids, and now illustration for kids. I sent her my draft of the story and asked her what she thought of it, and whether she would like to illustrate it. Working on this book with her was a dream come true – we finally made a book together! She taught me a lot about the process, like pointing out where words were unnecessary because the illustrations could say/show things better.

The pictures I’m attaching of the book development process show a little of how Mika and I worked together. She suggested that we literally cut-and-paste the paragraphs, she drew rough sketches and sent those to me, and then we did more cutting and pasting, moving text and drawings around, we would scan out mock ups and email them to each other, writing notes and emails to each other. The notes in green are mine.

I think it helped a lot that Mika was able to join me on one of my trips to Tawangan. I also sent her a lot of photographs to work with.

Just before we started working on the da-ngah book, Mika won a prestigious illustrator’s award and was signed on by Harper Collins to write and illustrate two children’s books of her own. Mika is still based in the U.S.

 

And how about of Paolo Y. Lim, who did the layout, and Shiela N. Aniban, who translated the story into Kalanguya?

Paolo is my cousin. He, Mika, and I spent a lot of our childhood and adolescent years together, and we also often shared crazy ideas on things we could do some day. It made perfect sense to ask him to be part of this project and he accepted without hesitation. Paolo is based in Australia. He called this project a transcontinental da-ngah. Ha-ha!

I’ve known Shiela since she was a kid. When I approached the elders to ask them if they could recommend someone I could work with on translating the story, her name came up. She had just graduated from Education and was based in La Trinidad, which is right beside Baguio where I lived so that would make things easier than if I were to work with someone in Tawangan. At the time I approached the elders, she was reviewing for the 2015 LET, so I spoke with her and we agreed we’d work on it after the exam. Shiela was helped a lot in the translations by her Lolo, Joseph Molitas. She and I would sit down together and go through the text line by line. At first, I noticed she tried to stay close to the English, so I asked her to make it sound more like the way they talk in everyday life. If she couldn’t think of a particular word, she would text or call her Lolo. While we were working on the translations she showed me her big book projects for one of her education courses. She made books out of Kalanguya folktales. When we finished the book and I gave her one of the first copies, she said, “Tapos na ang first. Marami pa tayong gagawin!”

 

Shelah cut and paste 14-15

 

How was the process of publishing and printing Shelah Goes to a Da-ngah?

I consulted with writer friends and independent publishers. Erlyn Alcantara, a historian and an indie publisher in Baguio, convinced me to set up my own “publishing house”. This never crossed my mind. I was just going to publish this one book, give it to the Kalanguya of Tawangan, and that would be it. The end. “But,” she said, “What if you come up with other books in the future? Then you would already have a name to use.” I followed her advice and registered the business with DTI as Alam-am Publishing. Alam-am means fern in Kalanguya.

I worked with a print-on-demand press in Quezon City. I never had to set foot in the press. We communicated by text and by email. We agreed on paper for the cover, and the inside pages, the number of copies, the price. I made a down payment, they delivered the proofs, I approved them or sent them corrections, and the first 350 copies were delivered to us. It was very straightforward. The book is a bit pricey because I insisted on nice paper and good quality colours. I wanted to give the community a nice book so I didn’t scrimp on materials. I used my savings to finance the first print run.

 

Where is the book available or distributed?

The book is available only in Mt Cloud Bookshop, in Tawangan, and in a few other Kalanguya communities in Benguet. (It’s almost out of print!) We had to come up with creative ways to market the book so that I could at least recoup the expenses and still give about 200 copies to the community. I decided to use the buy one-give one model that other companies have used before. I came up with a scheme in which you could pay for two and send one to Tawangan, or you could buy 10 for Tawangan and get one free. I was surprised by the enthusiastic response this got. We reached our goal very quickly. I was also surprised by the interest people took in this story about an indigenous community that very few know about. I think there is more than just a market for books for/about indigenous kids – there is a hunger for them!

 

And any tips for those who want to venture on a similar track?

What tips do I have for those who want to try something similar? Do it, do it, do it! Here are some of the things I learned along the way: We need more books for indigenous kids. Research helps a lot. Collaborative work is very rewarding and produces better outcomes, especially when community members are involved. Constant communication with the creative team has to be part of the process, from beginning to end. Explore unconventional ways of marketing and selling your book. Bring the book back to the community, always.

 

Thank you, Padma, for sharing with us your journey in producing a wonderful children’s book about and for the Kalanguya! We hope to see the next books soon!

*

Perez, P. 2010. “Deep-Rooted Hopes and Green Entanglements: Implementing Indigenous Peoples Rights and Nature-Conservation in the Philippines and Indonesia.” PhD diss., Leiden University.

Pictures were provided by Padmapani Perez and from the book’s Facebook page.

Rey Bufi

Si Rey Bufi ng The Storytelling Project ang bagong kinatawan ng mga mananalaysay sa Philippine Board on Books for Young People.

Malugod niyang sinagot ang mga tanong namin tungkol sa kaniyang misyon na ipalaganap ang pagmamahal sa pagbabasa.

 

FotorCreated

*

Puwede ni’yo bang ikuwento ang pagkabuo ng The Storytelling Project noong 2011 pagkatapos ni’yong maging bahagi sa isang proyekto ng dati ni’yong kompanya?

Noong nasa isang telecommunications company ako, naging kasapi ako ng isang employee volunteer organisation. Sa loob ng walong Sabado sa summer, nagkukuwento kami at nagtuturong magbasa sa mga batang 8 taong gulang pataas. Naisip kong mas lalaki ang impact kung gagawin itong araw-araw para makasanayan ng mga bata ang pagbabasa.

Kahit na umalis na ako sa kompanyang iyon, naging aktibo pa rin ako sa pagsama sa kanilang mga gawain. Ako minsan ang kanilang runner kapag may kailangang asikasuhin sa partner schools. Doon ko din nakilala ang Silid Aralan Inc., isang NGO na nakabase sa Montalban, Rizal. Naging volunteer din ako doon at hinawakan ang kanilang parenting seminars.

Ang aking mga karanasan sa volunteer activities na ito ang nagtulak sa akin na bumuo ng sariling programa para sa pagbabasa.

 

Tayabasan6 

Layunin ng TSP na ihanda ang mga napiling pamayanan sa “culture of reading” sa pamamagitan ng isang 3-phase program. Paano ni’yo nabuo ang programang ito?

Hindi batay sa isang existing model ang aming 3-phase program. Produkto ito ng aming mga karanasan sa pagbo-volunteer sa iba’t ibang lugar.

Ang pinakaunang layunin namin ay kung paano magkakaroon ng interes ang mga bata sa pagbabasa at paano nila ito makakasanayan. Dito nagsimula ang konsepto ng 21 araw na kuwentuhan. Sabi nila, para daw makabuo ng isang habit ay kailangan itong gawin sa loob ng 21 sunod-sunod na araw. Sa tingin namin, maganda itong simula ngunit hindi ito garantiya na magkakaroon nga ang mga bata ng reading habit.

Naniniwala kami na matagal ang pagbuo ng kasanayan at pagkahilig sa pagbabasa kaya dapat ay tuloy-tuloy ang paghihikayat sa mga bata kahit tapos na ang Phase 1. Doon nabuo ang Phase 2 o ang library project at ang Phase 3 o ang book club. Kapag nakasanayan na ang pagbabasa, siguradong magpapatuloy na ito bilang isang tradisyon.

 

Dagupan_Bangka

 

Paano ni’yo pinipili ang mga pamayanan? At paano kayo nakikipag-coordinate sa mga ito?

Nakilala namin ang mga pamayanan na aming napuntahan mula sa mga guro na nagtuturo sa lugar na iyon o kaya naman mula sa mga donor. Kung mayroong sponsor na may target na probinsiya, makikipag-coordinate kami sa DepEd at hahanapin namin ang pinaka-remote na paaralan sa probinsiyang iyon. Bibisitahin namin sila at kakausapin ang prinsipal, guro, at pati na ang mga magulang.

Mahalaga sa amin ang pagsang-ayon ng komunidad at ng paaralan. Kailangan ito bago kami magsimula dahil naniniwala kami na hindi lang sila basta beneficiaries kundi mga katuwang ng TSP.

 

91

 

Alam naming marami na kayong kuwento ng tagumpay sa TSP, pero puwede ba kayong magbahagi ng isang karanasan na hindi ni’yo malilimutan?

May isang araw na hinding-hindi ko makakalimutan no’ng nagturo ako sa Casili Elementary School sa Rodriguez, Rizal. Dumating ako isang madaling araw sa Wawa Dam at nagsimulang maglakad patungo sa paaralan. Dahil umulan magdamag, tumaas ang ilog at naiba ang terrain ng aking dadaanan. Malabo na ang tubig dahil sa putik at may kalakasan ang agos sa ibang parte ng ilog. Naging malalim na rin ang dating mababaw na ilog. Kinailangan kong magpatawid-tawid ng ilog para marating ang Casili.

Pagdating ko sa pang-apat na tawid, urong-sulong ako dahil lagpas baywang na ang rumaragasang tubig at mag-isa lang ako.  Buti na lang at di kalaunan ay may dumating na tagaroon at nagpatulong ako kung saan puwedeng tumawid. Hindi ako marunong lumangoy pero linakasan ko pa rin ang aking loob na tumawid. Pagdating sa huling tawid ng ilog, pumito na ako sa mga estudyante namin. Noong marining nila, sinundo nila ako ng balsang kawayan para makatawid.

Kadalasan, bago mag-ikapito ng umaga ako dumarating doon pero noong araw na iyon, halos ika-siyam na ng umaga ako dumating. Pagpasok ko ng paaralan, sinalubong ako ng mga bata. Nagulat ako dahil kumpleto silang lahat at walang lumiban. Ang sabi ko sa aking sarili, bakit ako susuko kung ang mga batang ito ay hindi sumuko. Mangilid-ngilid ang aking luha ng araw na iyon.

 

61

 

Ano ang mga uri ng librong dinadala ni’yo sa mga pamayanan?  Ano po ang mga nagustuhan ng mga batà?

Lahat ng mga librong ginagamit namin ay mula sa Adarna House, Inc. Mahusay kasi ang pagkakagawa ng mga ito – madaling intindihin, maiikli lang kaya’t hindi nakakapagod basahin, at maganda ang pagkakadrowing.

Pinipili namin ang mga libro batay sa komunidad na aming pupuntahan. Dapat madaling makaka-relate ang mga bata sa mga libro; ibig sabihin, malapit ito sa kanilang karanasan.

Iba-iba ang paborito ng mga bata depende sa lugar. Ang mga librong paborito ng mga bata ay ang mga kuwentong Si Pilong Patago-tago, Ang Pambihirang Sombrero, Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan, Rosa Albina, Si Langgam at Si Tipaklong, Ang Kamatis ni Peles, Araw sa Palengke, at marami pang iba.

 

Paboritong Libro

 

At ano naman ang mga paborito ni’yong libro, pambata man o hindi? At anong mga libro para sa mga batàng Filipino ang pangarap ni’yong mailimbag?

Sa mga pambatang libro, paborito ko ang Super Labandera, Ang Pambihirang Sombrero, Papel de Liha, Si Pilong Patago-tago, Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan, at Araw sa Palengke. Sa mga pangmatanda, paborito ko ang The Alchemist ni Paolo Coelho at The Power of Habit ni Charles Duhigg.

Matagal na naming pangarap na makabuo ng isang set ng adventure series at ito ang aming gagamitin sa loob ng 21 araw na kuwentuhan. Pangarap din namin na mailimbag ang mga kuwentong gawa ng mga bata mula sa storywriting sessions at ang mga gawa ng mga guro na aming naturuan sa training.

 

Dagupan_Storywriting

 

Sa mga gustong makibahagi sa The Storytelling Project, i-like ang kanilang Facebook page at mag-iwan ng mensahe roon.